Chapter 75 ALiNA kATE POV NAPANGITI AGAD AKO NG makita ko si tito Conrad sa labas ng gate. Inasar tuloy ako ni Baklita kasi kasama ko siya ngayun. " Bebe mo andiyan na. Sana all may taga sundo." Pairap na sabi nito sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. Nang akma akong tatakbo patungo sa gate ng makita ko sina Jena, Diego pati na ang mga tropa nila. Natigilan ako dahil sakin sila nakatingin. Napairap naman ako sa kanila. " Huwag muna pansinin. Pumunta kana sa tito mo." Sabi ni Bakla kaya sumunod na lang ako. Inaaway na nila ako dahil kay Diego. Tang ina kasing Diego na 'to. Panay ang tingin at dikit sakin kaya nagseselos si Jena. Na akala mo naman ay aagawin ko sa kanya ang boyfriend niya. Asa naman siya. Saksak niya sa baga niya si Diego. " Hi my love." Nakangiti kung sambit saka yumakap

