Chapter 34 ALiNA KATE POV NANG DUMATING ANG UWEAN ay inaya ako ni Jena na mag-bar ngayun ngunit tumanggi ako dahil pupunta ako sa bahay ng mga kapatid ko. " Ang KJ mo naman. Sumama kana, para happy-happy." Pamimilit sakin ni Jena ngunit muli akong tumanggi. " Sorry talaga. May pupuntahan pa ako eh." " Wag niyo ng pilitin kung ayaw." Sabi naman ni Diego kaya napalingon ako sa kanya at nakita kung may nakapulupot na babae sa braso niya. Halatang may gusto ang babae sa kanya at mukhang wild 'din. " Oh, bakit ayaw muna isama si Alina? Hindi mona ba siya binabakuran?" Sabi ng isang kaklase namin na si JM na habang nakangisi. Maloko 'din si JM like Jena. " Hindi na. Ayaw ko sa babaeng pa chusi." Nakangising sagot nito sabay halik sa babae. Napairap naman ako sa hangin sa kanyang sagot. Hi

