Chapter 78 ALiNA kATE POV NANDITO KAMI NGAYUN SA canteen ni Santi para kumain. Break time na kasi kaya dito kami pumunta. Tinamad ang bakla na lumabas sa campus kaya dito na lang kami kakain. " Ano sis, natanong muna ba ang tito mo kung saan galing pera niya?" Tanong sakin nito habang nakapila kami sa counter. Mariin naman akong umiling sa kanya. " Hindi eh, nahihiya ako. Baka mamaya magalit siya sakin kapag tinanong ko." " Gaga." Saad nito sakin. " Ikaw 'din. Mamaya bigla na lang kayo i-raid." Pananakot pa niya sakin sa mahinang boses para walang makarinig. Ilang araw na ako kinukulet ng baklang 'to na tanungin ko si tito my love. Kaya lang natatakot ako at baka magalit sakin. Paano kung tamang hinala lang kami ni bakla? Paanong kung hindi naman talaga totoo ang sinasabi ng baklang

