Chapter 88 ALiNA kATE POV NAPALINGON AKO KAY MAMA habang nagngangalit ang bagang ko sa galit dahil sa nakita. Magtatanong ako kay mama kung alam niya bang may boyfriend na si Danaya. Kahit hindi naman siguro ako magtanong ay base sa nakita ko ay halatang may relasyon ang dalawa dahil sa paghawakan ng kamay nila kanina. At panigurado ay alam ni mama iyon dahil siya ang kasama ng mga kapatid ko. " Alam mo 'to, Ma?" Galit na tanong ko sa aking ina habang masama ang mukha ko. " Oo, gusto niya 'yan eh." Mabilis na sagot ni mama na tila walang pakialam kung may boyfriend na si Danaya at pumunta sa sala's at naupo do'n kasama ng palamunin niyang boyfriend. " God!" Galit na sambit ko saka sinundan si mama do'n at kinompronta ito. " Alam mo bang ilan taon palang si Danaya at pinayagan mona siy

