35

2041 Words
Alexandria's POV "BABE, pwede ba akong pumunta sa inyo?" Awtomatikong napakunot-noo ako sa tanong na iyon ni Seiichi. Ano na naman kayang balak nitong Hapon na 'to? usal ko sa sarili habang nakatingin rito. Nasa racing club kami ng gabing iyon. Katatapos lamang din ng karera at nakatambay kami kung saan madalas kaming naglalagi. "Nababaliw ka na ba? Alam mo naman na 'di ka kilala ni erpat 'di ba?" asik ko rito. Sumimangot ang ungas sa sinabi ko. "Kaya nga ako pupunta para makilala niya ako, eh. 'Di ba, gan'on kapag nanliligaw? Gusto kong maging pormal ang panliligaw ko sa'yo," seryosong wika niya. Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Seiichi. Marahil nga ay ganoon ang totoong nanliligaw. Ngunit sa kaso naming dalawa ay siya lamang ang may gusto na gawin iyon. Kung siguro ay sa ibang babae niya gagawin iyon, tiyak na matutuwa. Subalit hindi sa akin. Alam ko sa aking sarili na walang patutunguhan ang ginagawa ni Seiichi. Dahil ni hindi man lamang nagbago ang pagtingin ko para sa kan'ya. Kaibigan pa rin ang tingin ko sa binata at hanggang doon na lang iyon. Nagkibit-balikat lamang ako. "'Di ko alam. Kung ako sa'yo, 'wag mo nang tangkain. Baka atakihin lang s'ya sa puso kapag nag-uwi ako ng ibang lalaki sa bahay." Napansin ko namang sumama ang mukha niya dahil sa isinagot ko. "Ibang lalaki? Bakit Alexandria? May ipinakilala ka na ba sa Papa mo?" tanong niya walang kangiti-ngiti. Tsk! Watch your mouth, Alexandria! saway ko sa sarili. Nang banggitin iyon ni Seiichi ay pumasok sa isipan ko si Heinz. Bukod kay Cyrus, siya lang naman kasi ang naglakas-loob na magpunta sa bahay. Subalit taliwas sa sinabi na Seiichi na may ipinakilala akong lalaki. Dumalaw lang noon sa bahay si Heinz no'ng mabugbog ako at siya ang nagligtas sa'kin. Lihim rin akong bumuntong-hininga dahil simula kasi noong nangyari ang eksenang hinalikan niya ako, ay hindi pa kami nagkikita. Hindi ko alam kung umiiwas ba siya o sad'yang busy lang ang damuho sa kung ano man ang pinagkakaabalahan n'ya. Sa tuwing naaalala ko rin ang pangyayaring iyon ay bumibilis ang t***k ng aking puso. At kasabay noon, ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi dahil sa labis na kahihiyan. Aaminin kong nakaramdam ako ng galit noong una dahil sa nangyari. Pero nitong huli, naisip kong hindi dapat ako magalit sa kaniya. Ni wala akong karapatan na magtanim ng sama ng loob, sapagkat napakaarami kong utang na loob kay Heinz. Maraming beses na niya akong iniligtas sa kapahamakan. Subalit sa isang banda, hindi ko rin alam kung bakit sa t'wina ay lagi siyang sumusulpot kapag nasa alanganin akong sitwasyon. Minsan pa nga'y iniisip ko kung nagkataon lamang ba iyon o sinasadya. At isa pa, aaminin ko rin sa aking sarili na gusto ko ang halik na namagitan sa amin ni Heinz. At hindi ko iyon pagsisisihan kahit kailan. Kahit na alam kong mali dahil may asawa siyang tao. So, ready ka nang maging kerida, Alexandria? tudyo ng munting tinig sa isipan ko. Lihim akong umiling. Ayaw ko na iyon pagtuunan ng pansin pa, at binalingan na lang si Seiichi. Dumoble yata ang pagkakunot ng noo ng ungas habang nakatingin sa akin; masamang masama ang mukha. Tsk! Kung anu-ano na naman sigurong iniisip ng gagong 'to! "Naalala mo ba 'yung lalaki na minsang nagpunta sa bar mo? 'Yung naabutan mo'ng kausap ko?" tanong ko rito pagkuwan. Bumukas naman ang pagtataka sa mukha niya. "'Yon bang nagpakilala na Cyrus?" Tumango ako. "Yeah. That's Cyrus Montemayor. Anak ni Mayor. Ang ungas na 'yun ang gusto ng magaling kong ama na mapangasawa ko. Damn that old man!" galit na saad ko nanv maalala ang aking ama. Si Seiichi naman ay halatang nagulat sa pag-amin ko. "Pero sinabihan ko na Cyrus na 'yon na tigilan na 'ko, dahil hindi ko s'ya magugustuhan kahit kailan," paliwanag ko pa kay Seiichi. Hindi ko pa kasi nasabi sa kan'ya ang bagay na iyon. Isa pa, hindi naman iyon mahalaga. Bumalatay ang galit sa mukha ni Seiichi nang tingnan ko. Marahil ay galit ito dahil sa nalaman. "Kaya pala. . ." tumatango-tangong sabi pa nito. "Anong kaya pala?" clueless naman na tanong ko rito. "Kaya pala kakaiba ang tingin n'ya sa'yo no'ng gabing ipinakilala mo s'ya. Gan'on din sa'kin. Kung pwede lang makapatay ang tingin ng gagong 'yun, bumulagta na 'ko sa harapan mo!" inis pang wika niya. Napaililing-iling naman ako. "Kaya pala s'ya gan'on dahil may gusto pala sa'yo ang gago!" Umismid naman ako sa sinabi ni Seiichi saka pumalatak. "Walang gusto ang ungas na 'yon sa'kin. Malakas ang kutob kong kaya gan'on dahil may kasunduan sila ng magaling kong ama." "Kasunduan? Anong kasunduan naman?" salubong ang kilay na tanong n'ya pa. Nagkibit-balikat lamang ako. "I dunno. Aalamin ko pa." Hinawakan ako ni Seiichi sa braso saka nag-aalala akong tiningnan. "'Di ka ba ginugulo ng hayop na 'yon? Kasi 'di ba, binasted mo s'ya?" 'Di lang ako ginugulo. Pinagtangkaan pa ang buhay ko, wika ko sa isipan. Malakas kasi ang kutob ko na ito ang may kagagawan ng pambubugbog sa akin no'ng nakaraan. Subalit hindi ko na muna iyon sinabi kay Seiichi. Gusto ko munang mapatunayan iyon bago ako magsalita. "Hindi na," pagsisinungaling ko. Nakita ko namang tila nabunutan ito ng tinik saka inalis ang kamay na nakahawak sa braso ko. Ako naman ay sumandal sa bench na kinauupuan at tumingala sa madilim na langit. Kumusta kaya s'ya? tanong ko sa isipan na ang tinutukoy ay si Heinz. Iniiwasan mo ba 'ko? Bigla ay tila may kirot akong naramdaman dahil sa realisasyong marahil nga ay iniiwasan niya ako. "That's good. Akala ko may kaagaw pa ako sa'yo, eh!" narinig kong bulalas ni Seiichi na nagpabalik sa akin sa wisyo. "Ewan ko sa'yo, Hapon!" saad ko pagkatapos ay tumayo na. Ramdam ko na kasi ang pagkalam ng sikmura dahil hindi pa pala ako kumakain. "Oh teka! Sa'n ka pupunta, babe? Uuwi ka na ba?" maagap na tanong niya sa tumayo rin at sumunod sa akin. "Nagugutom ako, eh!" Naglalakad na ako patungo sa lugar kung saan nakaparada ang motorsiklo ko. Hindi ko na nilingon pa si Seiichi. "'Di ka na naman ba kumain? Ikaw talaga! Pinapatay mo ba'ng sarili mo?" pagalit na saad niya pagkatapos ay napahinto ako sa paglalakad ng hilahin niya ako sa isang braso. "Teka! Sa'n tayo pupunta?" takang tanong ko. Lumihis kasi kami sa lugar kung saan nakagarahe si Amber. "Sabi mo, nagugutom ka 'di ba? Eh 'di kakain tayo." Hindi na ako nagpumiglas pa dahil tila wala siyang balak na bitiwan ako. Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad patungo sa parte ng racing club kung saan nakaparada ang mga mamahaling sasakyan. Nagtaka pa ako nang huminto kami sa isang kulay itim na Audi A8. Wow! May bagong kotse ang gago! namamanghang saad ko sa isipan habang pinagmamasdan ang magarang sasakyan. "Sa'yo 'to? Angas, ah?" Humalakhak siya saka pinindot ang car key. "My dad gave it to me. Suhol para daw sa magandang progress ng business dito sa 'Pinas," sagot pa niya pagkatapos ay binuksan ang passengers seat. "Pasok na! 'Di ba gutom ka na?" Hindi na ako umimik at pumasok na lamang. Siya naman ay umikot sa sa driver's sid at saka naupo. Halos kalahating oras ang lumipas nang huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Mabilis na bumaba si Seiichi ng sasakyan at umikot sa passengers side at pinagbuksan ako ng pinto. "Let's go babe! Nang makakain na tayo," sabay abot niya ng palad upang alalayan akong bumaba. For Christ sake! 'Di ako imbalido! Gusto ko sanang isatinig iyon pero pinigil ko ang sarili. Ayaw ko nang ganoong pakikitungo ni Seiichi. Hindi ako sanay. Mas gusto kong rude kami sa isa't-isa. Iyon bang nagbabatuhan ng asar at mura. Mas komportable ako roon. Ngunit nang masdan ko ang nakangiting mukha niya ay inusg ako ng konsensya. Seiichi is kind, gentlemen and sweet. Hindi niya deserved ang ganoong pagtrato. Lalo na kung manggagaling sa isang katulad ko. Kung kaya't napilitan akong abutin iyon. "Thanks!" matipid na sagot ko. Ngumiti naman siya ng matamis at pagkatapos ay inalalayan akong bumaba. "Good evening Ma'am, Sir! Welcome to La Cocina de Antonio!" nakangiting bati ng valet. "Good evening," ganting bati naman ni Seiichi rito saka inabot ang susi ng sasakyan. "Please, take care of my car," paalala pa niya. "No problem, Sir." Nakangiti akong binalingan ni Seiichi habang hindi pa rin binibitiwan ang aking kamay, hanggang sa makapasok kami sa loob ng restaurant. Nais ko sanang bawiin iyon dahil sa pagkailang na nararamdaman ngunit mahigpit itong hawak-hawak ni Seiichi. Agad kaming hinanapan ng bakanteng mesa ng staff na naroon. At pagkatapos ay magalang nitong kinuha ang aming order. Nang maka-order ay tahimik lamang akong nagmamasid sa lugar na iyon. Maganda ang ambiance ng restaurant. Maganda ang dekorasyon niyon na sa tingin ko ay Spanish inspired. Mapapansin ring pulos mayayaman ang customers na kumakain doon. Halos lahat kasi ay naka-bihis ng formal. Sinulyapan ko si Seiichi. Abala ito sa pagtingin ng menu. Maging siya ay naka formal rin. Naka-long sleeve siya na kulay gray. Ngunit ang mga manggas niyon ay itinupi niya hanggang siko. Pinarisan din niya iyon ng itim na slacks. Ganoon ang lagi ang bihis ni Seiichi, palibhasa ay isang business man. Bigla ay pasimple kong sinipat ang aking suot. At mariin akong napamura ng mapagtantong hindi angkop ang suot ko sa lugar na 'yon. Nakasuot kasi ako ng ripped jeans na kulay itim. Ang pang-itaas ko naman ay sleeveless na blouse na pinatungan ko ng maong na jacket. Naka-sneakers lamang din ako. Kaya pala napapansin ko ang makahulugang pagsulyap sa akin ng ilang mga customers doon. Marahil ay iniisip pa ng mga ito na isa akong oportunista. Isang gold digger. Putang ina! Naputol ang paglalakbay ng diwa ko nang dumating na in-order pagkain ni Seiichi. Iba't-iba ang pagkaing nakahain sa harapan ko na hindi ko alam ang mga pangalan. Pero sa tingin pa lamang ay mukhang masarap na. "Let's eat, babe. Mas masarap 'yan habang mainit," nakangiting saad ni Seiichi sa akin pagkatapos ay nagtangka siyang lagyan ang plato ko ng pagkain, na mabilis ko namang pinigil. Hindi ko kasi gusto ang mapanuring tingin ng mga tao sa aming paligid. Pakiramdam ko ay sinasakal ako. "Ako na. Kaya ko naman!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko noon dahil tumingin sa amin ang ilang mga customer. Maging si Seiichi ay halatang nagulat sa inasal ko. "O-okay. . . I'm sorry." Bahagya tuloy akong nakonsensya dahil sa inasal ko ngunit ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Na para ba akong isang kriminal sa mga mata ng tao. Dati naman ay wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko iniisip kung ano man ang tingin nila sa akin. Hindi iyon importante. Basta alam ko sa aking sarili na wala akong ginagawang masama, ay wala akong pakialam sa mga ito. Nakita kong nagbubulungan ang mga ito. Marahil ay nakita nila ang ginawa kong pagpigil kay Seiichi, kung kaya't minabuti ko na lamang na tumayo na. Para sa akin, mas mainam pang kumain na lamang ng kikiam at fishball basta alam mong komportable kang magagawa mo gusto mo. Kaysa sa mga 'sosyal' na lugar katulad nito na pawang pagkukunwari lamang ang alam. Gumagastos sa pagkamahal mahal na pagkain subalit kapag may makitang pulubi ay nilalampasan lamang. Plastic! "Babe! Saan ka pupunta?" maagap na tanong ni Seiichi. Mabilis siyang tumayo upang sana ay pigilan ako. Bakas rin ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Alam ko ring nakakukuha na kami ng atensyon ng mga tao roon dahil sa inasal ko. Pawang nagbubulungan pa ang mga ito habang makahulugang nakatingin sa akin. f**k you all! mura ko sa isipan. Binalingan ko si Seiichi at walang emosyon na nagsalita. "Kakain ng fishball." Nilakasan ko pa ang pagkakasabi niyon upang marinig ng mga usyosero. Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad palabas sa lugar na iyon. "Tang'na! Ayaw ko talaga sa mga gano'ng lugar. Para akong nasa death row!" iiling-iling kong bulong sa sarili. Ilang sandali pa nga ay lumabas na rin si Seiichi at may dalang plastic bag sa magkabilang kamay. Marahil ay ipinabalot niya ang mga pagkain na hindi namin nagalaw. Iiling-iling pa ito at bahagyang nakangiti habang papalapit sa akin. "You're ridiculous, Alex! Well, that's you anyway." Inismiran ko lamang siya saka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD