Alexandria's POV KINABUKASAN, maaga akong inihatid ni Heinz. At 'tulad no'ng una, ay kani-kaniyang motorsiklo ang gamit namin. Hindi ko na nga sana gustong magpahatid pero masyadong mapilit ang ungas. "Thank you sa paghatid, Heinz. Salamat din sa pagpapatuloy sa akin kagabi," sinserong saad ko sa lalaki. Inihatid pa niya ako hanggang sa labas ng aming gate sa kabila ng pagtutol ko. Ngumiti naman si Heinz sa akin. "Don't mention it. Basta ikaw, nanginginig pa," biro pa niya na ikinangiti ko naman. "Mag-iingat ka pag-uwi," paalam ko pa rito. Ayaw ko kasing makita pa siya ni Papa dahil tiyak na uusok na naman ang ilong n'ya sa galit. "Pinalalayas mo na ba 'ko?" tanong niya sabay umarteng nagtatampo. Daming dama ng isang 'to. Marahas akong bumuntong-hininga. "Hindi 'yon gano'n, okay?

