Heinz's POV "Alexandria. . ." BAKAS SA mukha ni Alexandria ang pagkabigla nang makita niya ako. Nandidilat kasi ang mga niya at halatang hindi malaman ang gagawin. Nanatili ang hindi magkamayaw na tuksuhan ng mga tao sa paligid. Lalo na nang lumabas ako sa eksena ni Alexandria at Seiichi. Ang totoo ay kanina ko pa pinanonood ang mga ito sa sulok. Wala sana akong balak na lumapit bilang pagrespeto kay Seiichi. Kitang-kita naman kasi na pinaghandaan niya ang lahat. Ganoon pa man, hindi ko rin gusto ang nararamdaman habang pinanonood ang mga ito. Nagseselos ako. Lumapit ako sa mga ito at sinalubong ang masamang titig ni Seiichi. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagsingit ko sa eksena nilang dalawa. Si Alexandria ay tila noon lang rin natauhan. Nakatingin lang siya sa akin bagaman puno

