Seiichi's POV
"f**k YOU!" pahabol na sigaw ni Alex sa akin. Tumawa lamang ako habang naglalakad palayo rito. Kahit kailan talaga pikon! natatawang wika ko sa isipan.
Alexandria is my special friend. Yes, we treat each other as friends but, I love Alexandria. Not as a friend but as a woman. When I first saw her at the racing club, I had a strange feeling. Love at first sight? Maybe. No'ng una, hindi ko matukoy kung pag-ibig ba 'yon. Anong alam ko sa pag-ibig? Hindi pa naman ako nai-inlove.
Hindi rin ang tipo niya ang gusto ko sa isang babae. Dahil para sa'kin ay kakaiba siya. Nasabi ko iyon sa kadahilanang kabaliktaran siya ng isang ordinaryong babae. Babaeng mukhang lalaki? Siya iyon. Hindi dahil pangit siya, kundi gupit-panlalaki ang buhok niya. Marami rin siyang hikaw sa tenga at may tattoo sa leeg. Ngunit kahit ganoon ay hindi ito nakabawas sa kagandahan niya. In fact, she's drop-dead-gorgeous woman. May magandang mukha; matangos at perpektong ilong; mapupungay na mga mata at mapang-akit na labi.
Maging ang pagkilos n'ya at pananalita ay kabaliktaran ng normal na babae. Hindi siya feminine. Iyon bang maangas, cold at laging galit siya kung magsalita. Pati rin ang pagkilos niya ay terno sa ugali niya. Mayabang, intimidating at careless. Careless dahil bara-bara siyang kumilos sa kahit saang bagay. Walang pakialam maging sa sarili at sa paligid, basta gagawin niya ang gusto niya. Kahit pa delikado iyon o peligroso.
Bilang magkaibigan sa loob sa loob ng mahigit dalawang taon, marami-rami na rin kaming 'bakbakan' na pinagsamahan. Madalas kasing mapa-trouble ang babaeng 'yon. Ayaw na ayaw kasi n'ya ng pinakikialaman siya. Kaunting pagsita mo lamang ay tiyak na may upak ka na. Akala niya rin minsan ay lalaki siya, madalas kasing maghamon si Alexandria sa mga sanggano na sa kalaunan ay ako naman ang humaharap. Dahil bilang kaibigan at dahil babae siya, ayaw kong napapahamak siya.
Hindi pala-kwento si Alexandria kaya hindi na rin ako nagtatanong kung bakit siya ganoon. Isang babaeng barumbado at laman ng kalye. Ang alam ko lang kasi ay kinamumuhian niya ang ama dahil ito raw ang may kasalanan kung bakit namatay ang Mama niya. Pero bukod sa nalalaman kong iyon, hindi na ako nag-usisa pa. Lalo na iyong personal. Tama na sa akin na nararamdaman kong sa kabila ng pagiging suwail niya, may mabuti siyang puso.
Ang pagiging kakaiba niya ang naging dahilan kaya ko siya minahal. Subalit alam ko naman, malinaw pa sa tubig mineral, na kaibigan lamang ang turing n'ya sa'kin. Well, ayos lamang iyon. Ang mahalaga ay lagi ko siyang nakikita at nakakasama. Subalit aaminin ko rin na may ng pagkakataong nasasaktan ako kapag nagsasabi ako sa kan'ya ng totoong nararamdaman ko, kahit pa nga sa biro ko lamang idinadaan iyon. Mahal na mahal ko kasi si Alexandria. Mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Kayang kaya kong gawin ang kahit ano para sa babaeng mahal ko. Pero hindi ako makasarili. Kaya ko ring mag-give up at magparaya kung sakaling makahanap siya ng lalaking mamahalin. Kahit pa nga kaligayahan at buhay ko ang nakasalalay para sa ikasasaya niya.
Naputol ang paglalabay ng aking diwa ng maulinigan ko ang putok ng baril. s**t! Sa'n galing 'yon? maang kong tanong sa sarili. Binalingan ko ang aking secretary na noon ay bakas sa mukha ang pagkabigla. "Saan galing 'yon, Liza?" Nasa reception area ako ng mga oras na ito sa ika-apat na palapag.
"I'm not sure, Sir Seiichi pero kung hindi ako nagkakamali, parang galing sa ground floor," nanginginig ang boses na sagot n'ya.
Shit! Si Alexandria! Biglang umahon ang kaba sa dibdib ko ng malaman iyon. Agad akong naalarma. "Liza, calm down and stay here no matter what happen, okay?" bilin ko sa kan'ya. Mabilis naman siyang tumango. "And please, tell our guests that don't panic. I will handle this!"
"Y-yes, Sir Seiichi. Mag-ingat po kayo!" nahihintakutang saad nito. Tumango lamang ako bilang sagot saka tinungo ang elevator.
Puno ng kaba ang aking dibdib ng mga sandaling iyon lalo pa nga't naroon si Alexandria sa ground floor. Natatakot akong baka madamay siya sa kung ano mang kaguluhan na nangyayari nang mga oras na iyon. Nang makalabas ng elevator ay bumungad sa'kin ang mga magulong paligid. Nakapagtataka ring wala ng maski isang customers ng mga oras na iyon. Marahil ay nagsitakbuhan na.
Tuloy-tuloy lamang ang palitan ng putok sa paligid kaya naman mabilis kong inilibot ang tingin upang hanapin kung saan nanggagaling ang mga gunshots na iyon pero bigo akong makita. Sigurado akong nakakubli ang mga ito sa tagong lugar. Mabilis akong yumuko at kumubli sa malapad na mesang bakal habang nakahawak pa ang dalawang kamay sa aking ulo upang protektahan. Mabilis ko ring kinapa ang hita kung saan madalas nakatago ang aking baril na 9mm calibre. Ginagamit ko lamang ito for self defence purposes, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ko iyon makapa.
"f**k! s**t! Tang'na talaga!" nayayamot kong bulalas sa sarili. Agad kong ring naalala na iniwan ko pala ito sa private room ko sa bar. Napakamot na lamanng ako sa ulo dahil sa sobrang yamot. Nag-ingat na lamang ako na hindi makagawa ng kaluskos sa aking pinagtataguan.
Muli akong nakarinig ng sunod-sunod na putok dahilan para kumabog ng matindi ang puso ko. Ngunit kahit balot ng takot ang dibdib ay pilit kong sinilip kung saan nagmumula ang mga putok. At mula nga sa pinagtataguan ko ay agad kong nakita ang mga armadong kalalakihan. Mukha silang mga dayuhan base sa itsura. Tila mga Chinese ito dahil singkit ang mga mata. Habang ang kapalitan naman nila ng putok ay ang mga NBI base sa uniporme.
Nahihirapan man sa pinagtataguan dahil maliit lamag ang mesang ito ay pinilit kong inilibot ang paningin sa loob ng aking bar. And then my teeth clench. Halos magkanda-sira sira na kasi ang lahat ng naroon sa bar. 'They will pay for this!' nanggigil na bulong ko sa sarili habang kuyom ang mga kamao.
Napatingin rin ako sa gawi ng counter. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit ng makitang halos lahat ng mamahaling alak na naka-display sa wine cabinet ay basag na. Pero agad ding napalitan ng pag-aalala ang galit na nararamdaman ko nang maalala na nando'n si Alex kanina. s**t! Where are you, Alexandria?' nag-aalalang tanong ko sa sarili. Dahil sa takot at matinding pag-aalala para kay Alexandria ay tila dumoble pa yata ang kaba at takot na nararamdaman ko.
Tuloy pa rin ang palitan putok ng magkabilang panig, dahilan upang hindi ako makalabas-laabas sa kinaroroonan ko. Ang balak ko kasi ay tunguhin ang counter upang siguruhin na wala na nga doon si Alexandria. Pero mahirap gawin ang pakay ko. Ilang dipa rin kasi ang layo ng counter mula rito. Hanggang sa nakaisip ako ng plano. Plano kong dumapa at gumapang sa sahig papunta sa counter. Isa pa'y malabo rin akong matamaan ng mga ligaw na bala sa gano'ng posisyon.
Mabilis akong nakabuo ng pasya at iyon nga ang ginawa ko. Mula sa mesa na pinagkukublihan, ay maingat akong dumapa sa sahig at dahan-dahang gumapang papunta sa counter. Maiingat ang bawat kilos ko dahil alam kong kaunting kaluskos lang ay tiyak ang aking kamatayan.
Oh God! Sana lang, nakalabas s'ya bago ang shoot out! Sana ligtas s'ya! usal ko habang dahan-dahan akong gumagapang sa sementadong sahig. Labis-labis rin ang pag-aalala ko kay Alexandria ng mga sandaling ito. Ngunit kahit binabalot ng halo-halong emosyon ay pinairal ko ang katinuan. Maingat at mabilis kong ginapang ang sahig patungo sa counter at ng makarating ay ilang sandali muna akong nakiramdam sa paligid. Tahimik na iyon at wala ng palitan ng putok kung kaya't nagdesisyon akong lumabas na. Ngunit ganoon na lamang gulat ko nang may magsalita sa likuran ko.
"Taas ang kamay!"
"s**t!" gulat na bulalas ko. Naramdaman ko rin ang malamig na nguso ng baril na nakatutok sa ulo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan kasabay ng malakas at tila nakabibinging t***k ng puso ko.
"Don't try to move, if you don't want me to shoot you in the head!" malakas na banta ng lalaki. "Ilagay mo ang dalawa mong kamay sa ulo saka ka humarap!" mariing utos pa ng lalaki saka idinuldol pa ng husto ang baril sa ulo ko.
Puno man ng kaba ay hindi ako nagpahalata. Nag-aral naman ako ng mga techniques para sa self-defense kung kaya't inihanda ko na ang pag-atake habang dahan-dahan akong humarap. Subalit ganoon na lang ang relief na naramdaman ko ng makitang miyembro ito ng NBI. Tiningnan ko ito ng masama saka tinabig ang baril niyang nakatutok sa akin. "Drop your gun or else, l fire you! I'm the owner of this f*****g bar---" Naputol ang dapat na sana ay sasabihin ko dahil natuon ang paningin ko sa loob ng bar. Nanigas ang aking panga sa galit dahil sa nakita. Sira at butas na ang mga upuan at lamesa roon. Maging ang salaming dingding at iba pang kagamitan roon ay basag din. s**t! They will f*****g pay for this! Damn it! mariing mura ko sa isipan habang napopoot na nakatingin sa magulong bar.
"I'm sorry, Sir. We explain everything,". hinging paumanhin naman nito.
"You should," tiim-bagang na sagot ko. Umalis ito at nakita kong nilapitan ang isang lalaki. Saglit na nag-usap ang mga ito pagkatapos ay nagtungo sa kinaroroonan ako.
"Good evening, Sir Kawashima. I'm Akihiro Tetsuya. Undercover agent ng DISG," pakilala nito sakin. Ini-abot pa niya ang palad upang makipagkamay.
Ngunit sa inis ay hindi ko tinanggap ang pakikipag-kamay niya. Napahiya naman ito kaya agad na binawi ang nakalahad na palad. Pinigilan ko lamang ang sariling singhalan ang mga kaharap kaya pilit kong kinalma ko ang sarili bago nagsalita. "Okay, so what is this, Mr. Tetsuya?" seryosong tanong ko na ang tinutukoy ay ang nangyaring gulo sa bar ko.
Ipinaliwanag nga niya ang lahat. Sinabi niyang matagal na nilang sinusubaybayan si Mr. Chen, ang aming regular VIP customer sa Hotel Bar. Si Mr. Chen daw ay may kasong Human Trafficking. Nangangalakal ito ng mga babae upang ibenta sa mga business partner nitong kapwa Chinese upang gawing s*x slave. Ang nangyaring palitan ng putok kanina ay dahil nanlaban ang mga bodyguard ni Mr. Chen na pawang mga armado. Ikinagulat ko ang nalamang iyon. Mabait naman kasi ang matanda sa akin at pati na rin sa mga staff ng bar. Ngunit laking pasalamat ko na rin at nahuli na ito. Muntikan na palang gawing cyber den ang bar ko ng hindi ko nalalaman.
Nangako naman ang ahensya na sila na ang bahala sa lahat ng damages na tinamo ng bar ko at sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Marami pa itong ipinaliwanag katulad ng nais akong anyayahan sa opisina nito upang magbigay pa ng impormasyon na nalalaman kay Mr. Chen. Abala kaming nag-uusap ngunit naputol ito ng tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko muna ang mga ito at humingi ng permiso upang sagutin iyon.
"Go on, Mr. Kawashima, don't mind us," saad ng nagpakilalang Akihiro Tetsuya.
Tumango ako at bahagyang lumayo pagkatapos ay sinulyapan kung sino ang tumatawag. Alexandria calling..
Halos mapatalon ako sa saya ng makita kung sino ang nasa caller i.d. "s**t! Si Alex! Thanks, God she's safe!" bulalas ko sabay pindot ng answer button
"Hello? Alex? Thanks God, you're safe!" bulalas ko ngunit napamaang ako ng iba ang sumagot sa kabilang linya.
"Is this Mr. Seiichi Kawashima?" tanong nito.
Biglang umahon ang kaba sa aking dibdib ng marinig ang tinig. God! Please, 'wag naman po sana... "Y-Yes! Who's speaking? B-Bakit nasa iyo ang cellphone ng kaibigan ko?" maang na tanong ko sa kausap.
"Si Ms. Alexandria Saavedra ay isinugod po rito sa St. Ignatius Memorial Hospital ng isang lalaki. Kayo po ang nakalagay sa call log ng pasyente kaya kayo po ang tinawagan ko," agad na sagot nito.
Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib sa lakas ng kabog dahil sa sinabi nito. What the hell. . . "W-What h-happen to h-her?" nagkakanda-utal na tanong ko sa kabilang linya.
"Nabaril po siya, Sir."