CHELSEA'S POV Kinabukasan, dinala ko ang kambal at si Zarrah papunta kina Alyana. Nais ko rin kasing magpaalam kina Alyana na lilipat na ako sa bahay namin dahil nandito na rin naman ang kambal. Isasama ko na rin si Zarrah, dahil wala naman siyang Bahay o apartment dito. Pwedi naman siyang maghotel, habang nandito siya pero mas gusto niyang sumama sa amin. Kaya naman, naisipan kong doon na lang kami sa dating bahay namin. Matagal na rin kasing nag migrated sa ibang bansa ang mga magulang ni Zarrah, maging siya. Kaya ang nandito na lang na kakilala niya sa pilipinas ay mga relatives niya na nasa probinsya at hindi naman siya close sa mga ito. Kaya sa akin na lang muna sa sumama. Nakasakay kami ngayon sa kotse ko, katabi ko si Zarrah habang ang dalawang bata ay nasa likod namin. "Bakit b

