Dahan-dahang napaupo si Chaddion sa bakanteng upuan, ganoon rin si Jamie bago ito muling nagpatuloy sa kung ano pa ang dapat na malaman ni Chaddion. "Habang buntis noon si Daniela ay naging mailap siya sa paligid at hindi halos lumalabas sa mansion ng mga Alejandro, dahil natatakot siyang makita si Allen. Ngunit, kahit anong iwas niya ay nagagawa nitong makalapit sa kanya dahil kinaibigan pa nito si Charlie. Kaya naulit muli ang panggagahasang iyon sa kanya. Kaya naman, noong buntis siya ay nakilala niya si Carmella—siya ang Ina ni Cara at kasintahan naman siya ni Albert," putol nito at napatingin kay Chaddion, Lalo na at nabanggit niya ang pangalan ni Cara. Kaya naman, napalingon rin si Chaddion sa kanya at napakuno't noo ito. "What do you mean by that? Magkasintahan si Albert at Ina n

