Sabay na dumating sina Alyana at Chelsea, kasama ang mga anak nila, maging si Zarrah at Sebastian. Napatingin sila sa mansion ng mga Alejandro, dahil ito ang unang pagkakataong makakapunta sila sa lugar ng mga ito. Tanging si Sebastian lamang ang nakapunta na dito, ngunit, matagal na panahon na rin iyon. Bumaba sila sa sasakyan matapos nila itong mai-park. "Mabuti at dumating na kayo.." Sabay naman silang napatingin sa taong lumapit sa kanila, at nakita nila si Chaddion na naglalakad papalapit. "Yeah, mabuti na rin at ikaw ang sumalubong sa amin. Nasaan pala si Keanne? Akala ko siya ang sasalubong sa amin," sabi ni Alyana. "Ayon nag aasikaso ng mga bisita, halina kayo, malapit nang nagsimula ang party," nakangiting sabi ni Chaddion at bahagyang tumingin kay Chelsea, na napaismid lang a

