PAREHONG nagulat sina Julia at Justine ng May biglang kumatok sa pinto ng kanilang kotse. Isang traffic enforcer ang kumatok sa kanila. Binuksan naman ni Justine ang pinto at sinalubong ng ngiti ang lalaking traffic enforcer. "YES sir ano po atin?" Nakangiting tanong ni Justine dito. "Sir nakasagabal na kasi kayo sa mga sasakyan. Kanina pa po Naka Go". anang traffic enforcer "Ay sorry sir, sumakit po kasi itong tiyan ng kapatid ko,kaya hindi kami kaagad Naka Go." pagdadahilan ni Justine sabay tingin sa ate niya at senyasan na umarte Agad namang nakuha iyon ni Julia at nagpanggap na masakit nga ang kanyang tiyan. Tumingin naman sa gawi ni Julia ang lalaking traffic enforcer saka nag alaala sa kalagayan nito "Kailangan nyo ba ng tulong? May malapit na banyo po dito, baka gusto __ "

