-THIRD PERSON P.O.V- "Sinapian ba ng masamang elemento ang lalaking yan?" "Grabe!Derederetso ang lagok parang tubig lang ang iniinum eh." "Wasted na wasted eh,wala akong matandaan sa atin na nagpapakalunod sa alak dahil brokenhearted." "Anong wala?anong tingin mo kay Westaria?" "F*ck you Ignacio!" Natawa nalang si Paxton sa pagsusungit ni Taz sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa kaibigan nilang si Sergio na hindi mapigilan sa pag inom ng alak.Nakakailang bote na ito pero at nakikita nilang magkakaibigan na nakakarami na ito ng inom. Mag uumaga palang kasi ng pumunta si Sergio sa bahay ni Taz na hindi naman nito inaasahan, nakangiti itong humarap kay Taz pero ramdam nito na may dinadala ang kaibigan dahil nakikita nya ito sa mga mata nito kaya ng sinabi nito sa kanya na kung pweden

