Chapter Fourteen Day 3 Maagang nagising ang dalawa, bumalik din si Joana sa Hotel para mag palit ng damit. "Nasaan ba 'yong address na sinasabi mo?" Tanong ni Joana dito. Kinuha ni Ethan mula sa wallet niya ang maliit at kupas kupas na papel. Napa tulala si Joana at tinignan si Ethan. "Taga saan kaba talaga?" Tanong nito may pag tataka sa mga mata ni Ethan nang biglang nag iba ang tono ng boses nito. "Manila I told you. Halika na kailangan konang makita ang bahay ni Yaya." Nauna 'tong nag lakad at biglang nag silita si Joana "Josephine Aguinaldo." Banggit ni Joana na nag patigil sa Pag lalakad ni Ethan. "Paano mo nalaman ang pangalan ni Yaya?" Tanong nito "Namatay sa aksidente? Sa eroplano kasama ang asawa niyang si Noryo Junior Aguinaldo at dalawang anak?" Naging emosyonal si Joana

