Maingay ang loob ng establisyimento na kinaroroonan ni Bernadeth, malakas ang tugtog ng maharot na musika, at maging ang samut-saring kulay ng ilaw ay magaslaw ang galaw. She felt so intoxicated. Ilang bote na ba ng beer ang kanyang nainom? Ilang shot na ba ng whiskey ang kanyang natungga? Narito siya sa lugar na ito upang mag wala at lunurin ang sarili sa alak. Nagbabakasakali na mawala ang matinding sakit sa dibdib. But heck! Walang epekto ang letseng alak sa sistema niya. Nanatiling naroon sa dibdib ang matinding sakit at hapdi. Bitbit ang isang bote ng alak ay tumayo siya. Sa pagtayo niya ay biglang umikot ang kanyang paningin. “Shìt!” “Are you okay?” That baritone voice is quite familiar to her ears. Napatingala siya. Sumingkit ang kanyang mga mata at pilit inaaninag ang mu

