Makalipas ang ilang linggo ay tuluyan ng nakauwi ng mansyon si Senyor Adriano maging ang anak na si Amihan kasama ang tatlong private nurse na mismong si Tita Luisa ang nag-hire at isang physical therapist. Sa halip na sa sariling bahay umuwi ay sa mansyon tumuloy sina Destiny dala ng pakiusap ni Senyora Edith at Senyor Adriano. Gusto ng Senyora at senyor na makasama ang mga bata sa iisang bahay nang matagal. Naging maingay nga sa loob ng mansyon dahil kay Amaya. “Nanay, maraming salamat po!” Niyakap ni Destiny ang tiyahin. Isa si Tiya Rina sa humubog ng pagkatao niya. Ang kanyang yumaong ina, si Tiya Rosa at Tiya Rina ang mga taong nag sakripisyo upang maitaguyod siya. They raised her with so much love. Pinalaki siyang may takot sa Diyos, may pag-unawa at respeto sa kapwa at higit

