Hindi siya makahuma. Nakatayo lang siya di kalayuan mula kay Red at Tin-Tin. That moment he felt like his heart was ripped, and it felt damn hurt. “Bakit ngayon ka lang? Akala ko hindi kana pupunta. Nalungkot tuloy ako.” si Serenity. “Pwede ba naman yun. Alam kung naghihintay ka, kaya hindi pwedeng hindi ako pupunta.” kinabig ni Red si Serenity sa batok nito at hinalikan sa noo. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay hindi siya makahinga habang pinapanood ang pinsan niya at Serenity. Saan ba nanggagaling ang sakit sa dibdib niya? Bakit ba siya nakaramdam ng ganito? “Iho, Andres!” Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. “Tita, Luisa.” Nilapitan siya ng tiyahin at niyakap at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi. “Bakit nakatayo ka lang dito at nakatitig sa pinsan

