“This place was amazing!” Mahinang usal ni Destiny habang nakatanaw sa nagkikislapang ilaw ng siyudad. Nasa Bunkers del Carmel sila sa mga oras na iyon. Lugar sa Barcelona kung saan tanaw ang siyudad ng Barcelona. Hindi accessible sa mga tourist ang Bunkers del Carmel tuwing gabi. Nagkataon na taga rito si Isabella at naimbitahan sila ng pamilya nito sa isang dinner. Kinabukasan ng hapon ay babalik na sila ng sariling bansa. “You wanna live here?” Yumakap si Andres mula sa kanyang likuran at hinalikan siya nito sa tuktok ulo. “We can buy a property here if you want.” “Maganda ang lugar, pero mas maganda parin ang bansa natin. Mas gusto ko sa atin tumira at bumuo ng pamilya, malapit sa mga magulang mo at pamilya ko.” “Bumuo ng pamilya?” Andres let out a soft laugh and then sighed. “Sou

