Bigla ang paglusob ng kaba sa dibdib. Agad na humakbang siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak na si Amihan. Huwag sana siyang bulyawan ni Senyora Edith sa mismong harapan ng mga bata. Natataranta. Nanlamig siyang bigla. “Ate!” Napatingin siya kay Adriana. Alam niyang nakikita ni Adriana sa kanyang kilos ngayon ang pagkabalisa. “Ate, gustong makita ng Mama ang mga bata.” “May I come in?” si Senyora Edith na ngayon ay nanatiling nakatayo sa bungad ng pinto. Saglit na sinuyod niya ng tingin ang mukha ni senyora Edith. Senyora Edith looks sophisticated, ngunit ang mga mata nito ay nagsasabing hindi ito manggugulo. Her eyes look soft, katunayan ay may konting ngiti na sumilay sa mga labi nito. Sana lang ay hindi siya namamalikmata sa nakikita na emosyon sa mukha ng senyora. “P-Pasok

