Nanginginig ang mga kamay ni Destiny, ang dibdib ay naninikip, at ang puso ay dumadagundong. Kanina ng dinala siya ni Andres sa mismong silid nito, naglalaro na sa isip niya ang ilang malabong eksena, at maging ang munting mga tinig ay kusa niyang naririnig. Mula sa silid nito hanggang sa gazebo, at sa pagsakay ng private chopper hanggang sa marating nila ang enchanted kingdom. Hindi siya nilubayan ng mga malabong eksena na iyon, at ang mga malabong eksena na iyon ay tuluyang luminaw ng makasampa siya ng tuluyan sa Ferris wheel. Halos gusto niyang sumigaw at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng galit sa kambal. Tinatanong niya ang sarili kung bakit ito nagawa sa kanya ni Serenity, kung bakit nagawa nitong ilihim sa kanya at Andres ang lahat. Parang pinong kinukurot ang puso niya,

