“Human na gyud, ma’am.” “Oo nga, Manong Tony. Mabuti at maaga natapos ang event. Maaga rin tayong makakapag-pahinga.” Ngumiti si Manong Tony. Hawak nito ang isang monoblock chair at ipinatong iyon sa isa sa dalawang nag patong-patong na mga monoblock chair. Pagkatapos ay kinuha ng may edad ang towel na nakasampay sa kanang balikat nito at pinunasan ang mukha at pawis sa leeg. “Pwede na kayong umuwi manong, Tony. Medyo mahaba po ang pahinga natin dahil wala pong naka book na event ngayong susunod na mga araw dito sa resort. Sa lunes pa po ang susunod na event.” Ngumiti si Manong Tony at tumango. “Mabuti naman kung ganun ma’am, Destiny. Matutuwa ang apo ko panigurado. Birthday man gud ni Alan ugma ma’am. Gusto ko sana imbitahan kayo at ang kambal.” “Sige po, Manong Tony, wala pong p

