Mama, sasakay ba tayo ng plane?” Si Amihan. “Oo, anak.” Maikling tugon ni Destiny sa anak. Nasa General santos city airport na sila. Kasama sina Red at Greg maging ang tiya Rina. Si Riza ang tanging naiwan sa resort. Susunod ito pagkatapos ng pasukan. “Yehey! Makakasama na natin lagi si Dada, Mama!” si Amaya. Ginulo ni Red ang buhok ni Amaya at ngumiti. Kapagkuwan ay tumitig ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang palad at pinisil. It was Red's way of telling her that everything would be fine. Ngunit kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na magiging maayos ang lahat ay hindi niya pa rin magawang ikalma ang sarili. Iniisip niya pa lang na babalik siya ng Maynila kasama ang mga anak ay naghahatid na iyon sa kanya ng matinding pangamba at nagdudulot ng ibayong kaba. Pakiramdam n

