Ang hikbi ay biglang naputol at bigla ay napabangon siya. Nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang puson. Napaupo siya sa ibabaw ng kama at napahawak sa puson ng mariin. Marahan na hinilot niya ang puson at nagbabakasakali na mawala ang kirot. Ngunit tila mas tumindi pa iyon. Bumaba siya ng kama. Pupunta siya ng kusina at maaghahagilap siya ng gamot para sa sakit ng tiyan. Nang tuluyan na nakatayo ay naramdaman niya ang tila mainit na likido na lumabas mula sa kanya. Is she having her monthly period? Panandalian siyang natigil at napaisip. Sobrang late ang period niya this month. Hindi niya man lang napansin iyon dahil sa daming masasakit na pinagdaanan. ‘What if, buntis ka? At hindi mo alam. Tapos–’ That question suddenly popped up in her mind. Bigla ang pagragasa ng kaba s

