Lutang ang pakiramdam ni Andres, talo pa niya ang may hangover. Sumasakit maging ang kanyang sentido. Ilang oras lang kasi ang naitulog niya. Hindi nga niya alam kung nakatulog ba talaga siya. Tumungo siya sa komedor. Nakita niyang nakahain na ang sandwich sa ibabaw ng mesa. “Mag breakfast ka na. Sandali at gawan kita ng kape.” Bahagya pa siya napapitlag ng bigla ay nagsalita mula sa kanyang likuran si Destiny. Nilingon niya ito. She was wearing a loose white t-shirt na pinarisan ng maong short na hanggang gitnang hita. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang ilang marka sa hita nito. Marka na siya ang may gawa. Nakatalikod na ito sa kanya at tinungo ang kusina. Ngunit ang kanyang paningin ay nanatiling nakasunod dito. Naka messy bun ang buhok nito dahilan upang mahantad ang makinis

