CHAPTER 60 - THE BELLA AND BETHINA EFFECT ON ETHAN ------------ PENELOPE THOMPSON POV Kaloka talaga tong si Ate Bella. Daig pa si Tito Boy kung mang direkta ng mga tanong. Parang kahit nandito si Mommy kaya niya talagang maitanong sa akin o kay Ethan kung lights on o lights off. Hayy kaloka. Kahit na matagal ko nang kilala si Ate Bella nagugulantang pa din talaga ako sa kanya. Prangka kasi talaga siya but in a good way naman. Never naman kaming na-offend sa kanya kaya love na love namin yang si Ate Bella at syempre ang pamangkin kong kaagaw ko sa muffin. Pero isang tanong ang ikinagulantang ng lahat. Shocks! I didn't expect na sasagutin ni Ethan yun. Pero wala din siyang pagdadalawang isip na sabihin na, "Opo, Mahal ko po si Penelope." Nagulat ako sa sagot niya na yun. "OMG!!

