CHAPTER 65 - A ROMANTIC SURPRISE -------- PENELOPE THOMPSON POV Nako naloko na! Naisahan kami ng bata na yun! Naghiwalay na muna kami nang panandalian para hanapin si Bethina. Hanggang sa tinawag ako ni Ethan dahil nakita nya daw si Bethina kaya agad naming hinabol. Takbo kung takbo may mapapalo talaga mamaya! “Ayun Penelope! Nakita ko sya pumasok dun!” tinuturo yung kulay may kulay itim na kurtina. “Tara! Pumasok tayo dun baka mapano pa yung batang yun.” Shocks! Pag pasok namin dun ko lang nalaman na horror house pala yun! Pero narinig nga namin si Bethina na tumitili. Kaya hinabol pa din namin kahit na takot na takot ako. Naka pikit nalang ako habang nakahawak naman sa braso ni Ethan habang naglalakad kami papasok sa madilim na lugar. Medyo nagugulat ako din dahil naririnig kong

