Tutor...
"Hey sis!" Si Tara na ngayon ko lang nakitang tapos na pala siyang makipag-usap sa businessman na iyon.
"You're done?" Tanong ko ng nakataas ang kanang kilay.
"Done what? Eat? Not yet! Kain natayo gutom na ako!" Sabi niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata at umismid. Tumawa lang siya at iginiya ako malapit sa kusina nila.
"Kumuha ka lang ng kahit anong pagkain diyan. Don't be shy, yan." Sabi nito. Pagkatapos ay naglagay ng kunting pagkain sa pinggan niya.
Really?
"Diet ka, Tam?" Sabi ko at Ngumisi.
"Yeah. Plano ko nga mag-gym next week eh, Sama ka?" She said while eating her vegetable foods.
Sumulyap ako sakanya. "No need. Mas gusto ko pang mag-pataba." Ngumisi ako sakanya. Tinaasan niya ako ng kanang kilay.
"Oh come on yanny, ang taba mo na nga oh look..." Sabay hila sa akin malapit sa may malaking salamin ng kusina nila. Tumawa ako sakanya what's wrong with my body? Okay naman ah.
Hindi naman iyon ganoon kataba tulad ng nakikita kong repleksyon ko sa salamin.
"Okay, sasamahan kita pero ako ayaw ko dahil kuntento na ako sa katawan ko!" Katwiran ko habang ngumunguya ng carbonara.
"No! Ikaw din dapat look at yourself you're pretty pero... chubby?" Tumatawa siya habang ako ay Panay taas ng dalawang kilay. It's a normal size of the body!
Gusto kong umayaw sa gusto nitong lukaret kong kaibigan. I don't like the idea. Hindi ko pa na ta-try iyon. Hindi dahil Kj ako. Ayaw ko lang na may mananantsing habang tinuturuan ako sa pag-gigym.
"Tumigil ka na nga diyan dahil marami ng nakatingin oh..." Sabay nguso ko sa mga iilang bisita na napapadako ang tingin sa amin.
Nakakahiya! Baka akalain ng ano ang pinagtatalunan namin dito! Ngumisi lang siya at kumaway sa mga naroon na nasa may sofa.
"Really sis? Eh, si Maggy nga kahit sexy iyon ay palaging nasa gym para daw gumanda iyong figure ng body niya. Unlike Dana perfect body na kahit hindi na siya mag-gym ay ayos lang..." She said. Ngumisi siya sa akin at inisip ko ang sinabi niya.
Kinakahiya ba ako nito? Tinaasan ko ulit siya ng kanang kilay saka umirap. Pinag-diskitahan ko ang hotdog.
"Basta sumama ka sa ayaw at gusto mo!" Sabi nito at uminom ng tubig.
"May magagawa pa ba ako? Ikaw na kaya iyan. Tsss." Sabi ko. She smiled at me. Pasaway!
Tawa lang kami ng tawa habang nagkukwentuhan ng mga bagay-bagay halimbawa nalang iyong nasa isang farm kami ng batangas at nahulog kami sa putikan dahil sa dumaang kalabaw na may balsa na kinatakot ni Dana.
Minutes passed, Tinawag niya ang isa sa mga katulong nila. May inutos siya dito at agad na tumalima. Pagka-lipas ng ilang segundo ay agad itong naka-balik na may dalang mukhang Red wine. At mukhang imported iyon.
"Thanks manang..." Sabi niya nang ilapag na nito ang inumin.
"Wine?" Inosenteng tanong ko.
"Yep! Gusto mo?" She offered.
I shook my head. "Nope! Di ako umiinom."
She nodded. Uminom siya nong wine at ngumiti.
"Nakilala mo na ba iyong Troy?" She asked while smiling.
Muntikan na akong mabilaukan sa kinakain kong desert nang itanong niya iyon sa akin. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay.
"Nakasalubong lang kanina sa school? With his friends..." I said and looked away.
"Grabi iyong titig niya sayo kanina."
Nararamdaman kong pumula iyong pisnge ko sa sinabi niya. At Nanliliit ang mga mata niyang nakatitig sa akin ngayon. Umiwas ako ulit ng tingin.
"T-talaga? Paano mo nasabi?" Uminom ako ng juice na binigay ng katulong nila kanina. Hindi ko maiwasang kabahan. But why?
"Kasi palagi ka nga niyang tinitingnan kanina..." Humagalpak siya ng tawa habang ako naman ay naka-kunot ang noo.
"Playboy iyon, Daming chicks. Kaya mag-ingat ka dun. Mahirap na yanny."
Tumawa ako para itaboy ang nararamdaman. "Impossible iyan dahil hindi ko naman siya kilala at lalong hindi niya ako kilala."
Nagkibit balikat lang siya.
Lumipas ang dalawang oras ay nagpaalam na ang ibang bisita. Maybe in 10 minutes ay susunod din akong magpaalam sakanila.
"Teo, pakihatid si yanny sakanila..." Si Tita Vicky.
"Sure ka ba yanny na hindi ka matutulog dito? Pwede ka sa room ko at tabi tayo. Alam mo na chika before sleep." Sabi ng lukaret kong kaibigan. Anong ibig niyang sabihin doon?
Lumingon ako kay Tita. "Tita thank you po sa pag-imbita sa akin sa party niyo. Nag-enjoy po ako..." I said and smiled.
"No problem ihja you're always welcome here..." Sabi nito at niyakap ako. Ganoon din ako.
"Tara, ihatid mo siya sa may gate. May gagawin lang ako sa itaas. Pagkatapos ay sumunod ka, Okay? Teo, mag-ingat kayo sa byahe..." Ani Tita Vicky. Tumango si Tara sakanya.
Umakyat na siya sa itaas at kumaway kahit na nakatalikod na ito. Kahit saan tingnan ay maganda talaga si Tita at bumagay sakanya ang suot nitong nagpa-kurba lalo sa sexy niyang katawan. Nilingon ko iyong painting na naka-sabit sa may wall na katabi lang din ng kwarto ni Tita. Nagagandahan ako doon at gusto kong magkaroon din ng sarili kong ganoon ka gandang painting...
Sumunod ako palabas ng bahay nila Tara. Maganda talaga ito masasabi kong unique lang kumpara sa mga ibang bahay. Iyong tipong old house at bumagay ang ganda ng garden dito. Naka-akyat na din ako sa kwarto ni Tara kanina at masasabi kong prinsesa talaga siya like Dana. Sila itong alam kong may mga kilalang pamilya. Si Maggy naman ay isang sikat na modelo at iyon ang palagi niyang pinag-mamalaki sa amin noon pa at ang alam ko lang ay malaki ang pangarap niya kaya nga nag-sarili iyon at independent din. Ngunit alam ko sa ngayon ay may mga mabibigat kaming problemang kinakaharap na dapat pagtuonan din ng pansin.
Bumuntong hininga ako. At Nilingon ang kaibigan ko. "Thanks Tara." I said.
Ngumiti siya at yumakap. Ganoon din ako sakanya.
"Okay. Thanks din at Ingat ka. Text or call me if may kailangan ka pang itanong about apartment, okay?"
"Okay. See you next week..."
Sumakay na ako at kumaway sakanya.
"Manong drive safe, Okay?" Tamara said.
Tumango ang driver. "Okay po Ma'am..."
At agad na pinaandar ang makina. 30 minutes ang byahe kaya matagal-tagal din. Inaantok na ako pero pinigilan ko. Tumingin nalang ako sa labas at pinag-mamasdan ang mga ilaw ng poste at mga sasakyan sa syudad na ito. Matataas din ang mga buildings at Mas marami dito kumpara sa probinsiya ay mabilang lang.
"iliko niyo lang po diyan kuya sa may pulang gate kayo huminto..." Sinunod niya naman ito. "Thanks po kuya!" Sabi ko at tumango siya.
Lumabas ako ng sasakyan at pumasok na sa apartment ko. Umalis din agad ang driver.
"You're late..." Napatalon ako sa nagsalita.
Lumingon ako kung saan siya at nagtama ang mga mata namin ng makita ko siya sa sofa. Nanlaki iyong mga mata kong tinitingnan siya. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman ang apartment ko? Sana hindi nalang ako umuwe. No. Bakit hindi ako uuwe e, apartment ko ito!
"I'm Joe's friend. Dito ka pala nakaupa---"
Pinutol ko siya. Ngunit hindi maalis ang gulat sa aking mukha.
"P-aano mo nalaman i-itong apartment ko!?" Utal kong tanong. Napatingin ako sa susi kong nabitawan ko dahil sa gulat at kaba. Kinuha ko iyon. At Nilingon siya ulit. s**t!
"Kinukwento ka niya." Simple niyang sabi habang ako ay hindi na maalis ang pagka-gulat sa mukha.
"And then?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay para maiwala ang kabang nararamdaman ko.
Ganoon parin iyong expression ng mukha niya. Dark and Heavy eyes also mysterious... His intense stare make my knees weak in unknown feelings.
"Gusto kong maging Tutor ka---"
Pinutol ko ulit siya. Kumunot ang noo niya. Nagbibiro ba siya?
"Tutor?! Sa akin?" Turo ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala. Tanong ba iyon o, pagkukumbinsi sa sarili? Na ako iyon?
"Yes Ikaw... Yanny Guevara." He said. Ang tono ng boses niya'y sobrang seryuso.
Oh! what a lucky day?
Napalunok ako sa inasta niya. Weird. Pero hindi...
I shook my head. "Baka naman nagkakamali ka lang? Wala naman akong natatandaan na mag tu-tutor ako?"
His two brows perfectly arched. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Dahil lumapit siya sa akin at Napaatras ako ng dalawang beses.
May binigay siya sa akin na nakalagay sa isang puting sobre. Tinanggap ko iyon at binasa. Iyon ang sulat kamay ko. Naalala ko na...
Nawala ko ito. Ito iyong hinahanap ko tatlong araw na. Nakalagay din dito ang address at contact number ko. Maging ang pangalan ko. Ibibigay ko sana ito sa isang nakilala kong babae na may anak sampong taong gulang na batang lalaki na nasa kabilang kalye at malapit lang ito dito sa apartment. Nang nawala ko ito ay siyaka ko naisipang makipagkita nalang o, puntahan sa bahay na tinutuluyan nila ngunit wala na ito doon at mukhang lumipat ng tirahan. Lalo pa iyon din ang sabi ng mga napagtanungan ko.
What a great-great day yanny? Hulog ng langit? Ipinilig ko ang ulo. Bumuntong hininga din kapagkuwan.
"Napulot ni Joe sa labas ng gate..." Paliwanag nito. Kumunot ang noo ko. Bumaling ako ulit sakanya kahit na nakatitig parin siya.
"Noong isang araw ko pa ito hinahanap dahil may pagbibigyan ako nito. Isang kilala..." Sabi ko.
"Who?" Sa Matigas at malamig na boses.
"Friend..." Simple kong sagot.
Humugot ako ng hininga. Parang anong oras ay malalagutan ako ng hininga sa titig niya.
"You're nervous..." Anito.
Nanlamig ako sa kinatatayuan at pakiramdam ko ay matutunaw ako sa ano mang oras.
"H-huh? No!" Sabi ko at Umiwas ng tingin. "If you're interested. Maybe next week nalang? Gusto ko na kasing magpahinga. Just contact me if you want." I bit my lower lip.
"Okay then." He said. At umambang aalis na. Sumulyap siya ng isang beses at kumunot ang noo.
What's wrong with him? Natanong ko na din ba ito Kanina? Weird.
"Good night!" Sabi ko.
He nodded. "Night." Iyon lang at umalis na.
Napahawak ako sa puso ko. Ah, paano siya naka-pasok? Binigyan ba siya nong Joe ng susing tulad sa akin? I don't like that idea!
But why I feel this? Naguguluhan ako. Nakakaramdam ako ng saya at takot. Ipinikit ko mariin ang mga mata at sinarado ang pintuan at ang dalawang bintana. Nakatulog din ako sa kakaisip. Marahil ay pagod din ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa alarm clock na nasa tabi ng aking kama. Narinig kong may mga nagkakatuwaan sa loob ng bahay.
Hindi kaya... Hindi kaya...
Bumangon ako at nagmadaling lumabas ng kwarto. Its almost 8 AM in the morning. Ang aga pero nandito iyong mga Luka-Luka kong mga kaibigan? At paano sila...
"Hey! Ganyan ka ba sa tuwing nandito? Walang ligo at ayos. Nakakahiya tuloy sa mga poging ito..." Maggy said. Sabay nguso sa tatlong lalaking nasa labas ng garden.
"A-nong ginagawa niyo dito? At paano kayo naka-pasok?" Shock flashed in my voice. Nakapamaywang ako sakanila at itinaas ang dalawang kilay.
May sumipol sa aking likod na kinagulat ko. Tumawa naman itong mga kaibigan ko sa naging reaksyon ko! I slowly turned my face sa lalaking na sa aking likod.
"Hey, by the way I'm Paul..." He said. Sabay lahad ng kanang kamay nito sa akin. Tinanggap ko iyon. Siya iyong kasama din ni Mathew sa Registrar Office.
Gwapo din siya tulad ng mga kasama niya. Maputi, matangos ang Ilong at may dimple sa kanang pisnge. Kumindat siya sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"Yanny..." Pakilala ko.
Tumango siya "Sorry naki-gamit lang ng Cr. Don't worry hinugasan ko naman iyong kamay ko bago... alam mo na makipagkamay sa magandang tulad mo..." Ngumiti siya sa akin. Bumangisngis naman itong mga kasama ko.
Tumingin ako sa labas kung saan ay may tatlong lalaking nakaupo doon. Nakita ko si Math na tumayo at namaywang habang tinuturo-turo iyong kasama niyang may suot na kulay itim na varsity jacket at may branch na Nike. May pagka foreign ito dahil halata sa mukha. Hindi ko kilala iyong isa. Tumatawa lang ito habang sinasaway ang dalawa.
Binalik ko ang aking tingin sa mga kaibigan ko. Si Maggy na ngayon ay inakbayan ni Paul. Kita kong pumula ang pisnge nito. Nagtaas ako ng kanang kilay.
"Saan kayo nakakuha ng idea para makapasok?" Sabi ko at pinag-crossed ang mga braso.
"Kay Joe..." Sabi ni Tara.
Sabay turo doon sa naka white T-shirt at naka-dekwatrong lalaking nagyoyosi.
Ngumiwi ako. Siya pala iyong kinukwento nila. I sighed.
"Sana naman ay tumawag kayo. Akala ko kung sino na! Gusto niyo ba akong mamatay sa takot? Hindi maganda iyan lalo na tinatakot niyo at ako paano kung may pumasok dito bigla at hindi ko kilala!" Sermon ko.
"Easy sis. Don't worry nasa safe area ka ng mga Montenegro." Si Tara iyon at Sabay halakhak nito.
Binato ko siya ng unan sa sofa. Umilag ito at Mas tumawa pa. Kumunot naman ang noo ni Maggy sa akin.
"Where's Dana?" Tanong ko.
Iniba ko ang usapan.
"Nasa Palawan pa. Maybe bukas iyon uuwe..." Kibit balikat ni Maggy.
Kita kong pumasok na iyong Joe sa loob sumunod naman iyong si Math at iyong isang kasama nilang macho ang dating.
Bumaling ako kay Tara na naghahanda ng pagkain sa mesa mukhang nag-abala pa itong magluto. Tumingin siya sa akin at Ngumisi't bumaling doon sa machong lalaki. "Hey Patrick! di ba ngayon iyong usapan na ikaw ang magtuturo kay yanny sa pag-gigym..."
Nanlaki ang mga mata ko. Tumatawang umiiling si Maggy sa reaksyon ko at maging si Paul. Ngumiti lang ang iba.
"Yeah... if she like it." Anito habang umiinom ng beer in can na marahil ay binili nila bago pumunta dito. Nagtagal ang titig ko doon at naalis din ng sumingit si Maggy.
Bumaling ako sakanya. She looks pretty in her red top and black denim shorts. Samantalang si Tara ay naka floral top dress lang siya ngunit lumilitaw parin ang magandang katawan nito. Bumaling ang tingin niya sa akin.
"Yanny. Si Patrick iyong e-rerecommend kong magiging instructor mo for only three months. Kasi by contract iyan siya. He is professional instructor from mabini manila..." Maggy said. Pinag-crossed nito ang maputing binti.
"Pero normal size naman talaga itong katawan ko Maggy at wala naman masama doon---"
Pinutol ako ni Tara. "Of course for you that's a normal size and you're pretty... But Masyadong chubby..." Imbes na matawa tulad nila ay ngumiwi ako. I don't like it. Tinaasan ko sila ng dalawang kilay.
"Okay total masyado kayong praning sa pagiging chubby ko e. Di sige." Sarcastic kong sabi.
Tumawa si Math na nasa tabi na ngayon ni Tara. At may binubulong doon sa kaibigan ko. Umiwas ito at tinitigan si Math siyaka umirap at pumuntang ref para kumuha ng tubig.
"Sis, para naman sayo iyan siyaka gusto kong mag-model ka din tulad ko---"
Pinutol siya ni Tara. "I think, hindi iyon magugustuhan ni yanny..." Iling niya sabay irap kay Maggy.
Tumabi ako kay Tara at nagsalin ng tubig sa baso. Uminom ako at nagsalita.
"Mag. Tanggap ko iyong pag-gigym huwag lang iyong MODELING." Sabi ko at umirap siya. Ngumiti ako sakanila.
"Miss yanny, this is my calling card call me if kailan niyo anytime ng service ko. Don't worry about the cost. Na full paid na ni Ma'am Tara iyon." Patrick said.
Nanlaki iyong mga mata kong bumaling kay Tara. Bago ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.
"We're like sister. So... nangako din naman ako na tutuungan kita di ba remember ako iyong nag o-offer, at may plano nito?" She said. Naalala ko iyon. Pero nakakahiya na.
"Thank you pero nakakahiya. Babayaran ko ito---" Pinutol ako ni Maggy. Bumaling ako sakanya.
"Hindi iyan papayag you know Tara. Right?" At Binaling kay Tara ang paningin nito.
"Yup! Sports lang sis besides doon din naman kami mag-gigym e." Aniya.
"Math nagtext si Stephen uuwe siya ngayon..."
Bumaling kami kay Paul na nagsasalita ngayon. Tumango lang si Math at kinuha ang cellphone nito sa bulsa naka-tingin doon si Tara. Umiiling naman si Maggy. Hmm.
"Let's eat..." Ani Tara.
Tumango ako at umupo sa tabi niya at si Math naman itong nasa left side niya. Katabi ko naman si Patrick. Kaharap namin si Maggy at Paul na ngayon ay nag aasaran. Si joe naman ay tamihik lang sa side ni Paul. Mabuti nalang at malaki-laki din itong hapag kainan.
"Anong plano mo this coming Saturday, Maggy?" Tanong ko sa kaibigan kong nakakunot ang noo kay Paul. Lumingon agad siya sa akin ng nakuha ko ang atensyon nito.
"Hmm. Pool party with co-models. Last day of vacation di ba? Next week na iyong klase, kayo?" She said.
"I'm busy with my new design and... Magtatahi siguro ako? Or paint... I don't know." Ani Tara.
"How about you yanny?" Maggy asked.
"Read books. Eat. Maglilinis?" Sabi ko habang kinakagat ang fried chicken.
"Boring." Ani Maggy.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Nagsalita si Math sa tabi ni Tara.
"Kapareho mo talaga si Xenon mahilig din sa kakabasa ng mga libro..." He said.
Tumingin si Tara sakanya ngumiti lang si Math.
Ano kayang mga Meron sa mga lalaking katabi nila. Nagulat ako kanina ngunit hindi ko na kinwesyon iyon. Siyaka nalang. Dahil nakakahiya din kung itatanong ko iyon sa harap ng mga kaibigan ko. Minsan kailangan ko din ma-control iyong pagiging matanungin ko sa lahat ng mga bagay. It's a private part. Kum baga.
"Really? What kind of books?" Si Maggy ang nagtanong.
"Lagi ko kasi siyang nakikitang tutok na tutok sa monitor ng laptop niya. Minsan naman nasa sala nagkalat iyong mga libro. I don't know kung anong mga books iyon..." Sabi nito.
Tumango lang si Maggy. Maging si Tara.
"Yeah, I agree with you Mathew. Magka-tulad sila ng kapatid kong si Tin hindi halatang mag bestfriend ang dalawang iyon..." sabi nong Joe kasama nilang hindi ko pa masyadong kilala.
I know that he own this apartment. Iyon lang naman. Pero kailangan ko din makitungo ng maayos dahil iyon ang gusto nito. And besides friend niya iyong Troy... Pinilig ko ang ulo ko dahil kagabi lang ay nandito siya. Uminit ang pakiramdam ko sa isiping iyon. Umiling ako at uminom ng tubig dahil tapos nadin akong kumain. Bumaling ako sa nagsalita.
"Nah! dude Mabuti na iyon kaysa ibang pagka-abalahan."
I like the way Math say those words tungkol sa kapatid niya. Over protective. Feel ko iyon dahil panganay ako. I know the feelings.
"So serious." Ani Tara na nagpalingon samin at kay Math, umiinom na siya ngayon ng tubig Kunti lang talaga itong kumain. Tulad ni Dana. Pero si Maggy halos ayaw galawin ang pagkain nito. Maybe diet dahil modelo ito at Kailangan niyang gawin iyon. Para mapanatili ang magandang figure nito.
"Saan kayo pagkatapos?" Tanong ni Patrick na halata kong kanina pang tahimik. Na-oope ba siya? I don't think so... Kinakausap din naman siya ni Joe about sports nga lang.
Nakakahiya tuloy sa instructor ko. Kaya naman ako ang agad na sumagot nun.
"Sir. Siguro dito lang ako. Hindi ko alam sakanila..." I said. Nilingon ko ang mga kasama kong tapos ng kumain.
"Patrick nalang nakakahiya naman." Tumawa ito maging ako at ang iba din.
"Okay..." Sabi ko at ngumiti. Siniko ako ni Tara. Lumingon ako sakanya.
"He's cute..." Kumindat siya sa akin at Ngumisi.
Kumunot ang noo ko. "Huwag ka nga nakakahiya uy!" Iling kong sabi.
Tumawa siya at bumulong ulit.
"But Troy is hot... Super Hot." She winked at me and biting her lips.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Humagikhik lang ito at umayos ng upo. Hindi iyon napapansin ng iba dahil busy silang nag-uusap din.
Uminom ako ng tubig at nag-iwas ng tingin. Tumindig ang mga balahibo ko sa batok ng sinabi niya iyon.