18 (Hei POV) Hinayaan ko lang si Alson na kargahin ako pabalik sa loob ng pader.Nakakapagtaka talaga na mabait parin sya sakin at ililigtas nya parin ako matapos kung gawan sya ng di maganda. "Alam kong may gusto kang malaman tungkol sa kanila wag kang magalala ako nang bahalang tumuklas at alamin kung sino at kung anu ang nangyari sa kanila. "Rinig kong sabi ni Alson. "Anu? " Nagulat ako ng tinapon nya ako papasok sa loob at hinarangan nya ang awang ng pader. Nagpaiwan sya sa labas!!! Sinubukan kong tanggalin ang harang pero di ko magawa. Pero sinubukan ko parin habang sigaw ang pangalan nya. Si Alson, anung gagawin ko? Bumalik agad ako sa Manse para kausapin si Ava at ang iba pa para tulungan akong kunin si Alson sa labas. Parang sasabog ako sa pag alala sa maaring mangya

