Chapter 4
Every Rose has its Thorn
"Ano kaba naman Maya! Ang ganda ganda ng buhok mo bakit mo naman kinulayan!" Suway ng Ina niya at hinatak nito ang hibla ng buhok.
"Mama naman! Aalis ako ngayon, nakaleave ako at may aasikasuhin lang ako. Mabilis lang po 'yon, 'wag ka magalala hindi po ako magpapakasal." tuwang Tuwang tuwa ang Ina nito, kahit na may katigasan ng ulo ang anak ay mahal na mahal niya ito.
Pinalitan nila ng pula na dress si Maya, kung saan humuhubog ang magandang katawan nito. Kahit na hindi siya ganoon ka tangkad, kayang kaya niyang dalhin ang sarili. Suot lamang niya ay isang 5 inches pointed shoes. Abot hanggang hita ang slit ang soot niyang dress. Kitang kita ang kinis at puti ng binti nito.
"Nako Rico! Bagay na bagay na Erotic Model itong kaibigan mo!" Sambit ng Photographer at kaibigan ni Rico. "She's perfect, gandahan mo ang shots Jerry. She will be the face of our company." Ipinagmamalaki ni Rico si Maya at mismong si Maya na ang umaawat dito. Nahihiya at masyado siyang na pepressure sa naguumapaw na pagpapapuri ni Rico sa kanya.
"Okay ready! Miss Maya! Konting bend lang! Okay perfect!" Sinunod lang ni Maya ang mga utos nito. Sa una, hindi siya komportable dahil may mga nanunuod na iba pang empleyado. Pero kalaunan nakuha na niyang masanay at tanging pagtingin nalamang sa Camera ni Jerry ang kanyang iniintindi.
Dalawang oras at mahigit na photoshoot, hindi parin ito tapos. Tinatapos lang nila ang indoor o studio shots, dahil bukas may outdoor photoshoot pa na magaganap sa Grape Farm ng mga Ramos.
"Grabe nakakapagod palang maging Model Rico." nakaupo si Maya sa table at kaharap niya si Rico. "Bukas be ready, tatapak ka sa mga ubas, just enjoy the moment." nakangiti ito sa kanya at nakuhang hawiin ni Rico ang malambot niyang buhok. Bahagyang ngumiti si Maya at pasimpleng sumulyap kay Rico.
"Really? Pero hindi ba puwedeng kasama ka? Perfect naman jaw line mo pang Model din naman Rico!" Sambit ni Maya at hinawakan ang mukha ng binata na nasa harapan niya.
"Ehem! Sir Rico ang Miss Maya, excuse me lang po. Nandito na po ang CEO." Sambit ng sekretarya ni Rico. Bahagyang naging interesado naman si Maya dahil makikilala na niya ang CEO ng kompanyang pinag modelan niya. "Let's go, ipapakilala kita sa Pinsan ko" hinawakan niya ang kamay ni Maya at inalalayan sa pag lalakad.
"Bro!" Sigaw ni Rico dito. Humarap si Adam at napatigil sa paglalakad si Maya. Parang tumigil ang oras at ang mundo nang magkita ulit ang dalawa makalipas ang ilang taon na paghihiwalay nila. Halos malaglag ang panga ni Adam nang pagmasdan niya si Maya, mula ulo hanggang paa. Mlayong malayo na ang itsura ni Maya mula sa nakilala at napakasalan niya. Clumssy, tanga, simple, iyakin at chubby na pinakasalan niya. Kumpara sa itsura nito ngayon na hubog ang katawan at palaban na itsura.
"Ah Maya, this is Adamson Gonzales pinsan ko and the CEO of Ramos Wines. Dude this is Malaya David the face of our company." nagtataka ang itsura ni Rico habang pinagmamasdan niya kaliwat kanan ang dalawa.
"Nice to meet you Mr. Gonzales." Inilahad ni Maya ang kamay niya at gano'n din si Adam. Hindi niya alam kung iaabot ba niya ang kanyang kamay kay Maya. "Nice to meet you too, Ms. David." Tipid nitong pagsagot sa dalaga.
"By tomorrow sa Farm ang Last shoot natin. Kung gusto mo ulit sumama Adam sama mo narin si Danica." pa-aya ni Rico sa Pinsan niya.
"Sure kung hindi naman din siya busy isasama ko siya. By the way, siya ba yong sinasabi mo sa Gym?" Interesadong pagtatanong nito sa Pinsan niya.
"Yup, see? Bagay na bagay sa kanya ang design ko, also the Company Wine design. Wala akong masabi sa indoor shots niya, everything is perfect." Tuwang tuwa na sinabi ni Rico. Napansin ni Adamson, bakas sa mga mata ng kanyang pinsan ang pagkakagalak. Pinagmamasdan din niya ang panay na pagsulyap ng pinsan sa EX-WIFE niya.
"Girlfriend mo ba?" Tanong ulit ni Adam dito. Habang pasimpleng sinisilip si Maya na nagsasalamin.
"Soon bro, tamang tsempo lang." bulong ni Rico dito. Abot langit ang ngiti nito, habang si Adam na pilit sa pagngiti.
Habang nakasakay ng Kotse si Adam para bumalik ng Office, dahil sa emergency meeting at kasama ang ina niya dito. Sumasagi sa isip niya ang muling pagkikita nila ni Maya. "Siya na ba talaga 'yon? Ang bilis lang ng tatlong taon para sa ganoong transformation Maya. Hindi ko akalain na sobrang laki ng pinagbago niya. Ano naman ang trabaho niya ngayon? Mukhang maayos ang buhay niya, hindi stress ang itsura. Parang kailan lang napaka hinhin at nene pa ng itsura mo. Tatanga tanga, pagtapos biglang ganito?" Umawang ang ngipin nito at wala sa wisyong napangiti sa kawalan.
Hindi makapaniwala si Adam sa naging pagbabago ng Ex-Wife niyang si Maya.
Tambak ng trabaho si Adam ngayon mula sa mga investors sa Greece. Gustong gusto niyang sumama bukas sa Farm para makita ang Outdoor photoshoot ni Maya. Gusto niya rin itong kausapin o kamustahin.
KINABUKASAN...
Suot-suot ni Maya ang dress na hanggang paanan at off-shoulders na kitang kita ang magandang hugis ng kanyang balikat. Kulot ang ayos ng buhok nito at may rosas na nakaipit sa kaliwang teynga. Nakadagdag din sa kagandahan niya ang mapupula niyang mga labi.
"Ready? Okay! Action!" Sigaw ng Director habang tinatapakn niya ang mga ubas. Gayon paman matapos ang shoot na ito, may iilang mga kuha din na pumipitas siya ng ubas, kasama ang mga emoleyado ng Kompanya sa mismong grape farm.
"Okay Sir Rico be ready, dahil ikaw ang designer ng Bottle. Naisip ko, na dapat kasama mo si Ms. David. Girls! Ayusan niyo rin si Sir. Ramos." Utos niya sa mga make up artist.
Natapos ang ilang scene at umupo ang dalawa, habang nililinis ang mga paa nila pagtapos ang pagtapak sa mga ubas.
"Biglaan naman 'to Jerry! Baka hindi magustohan nila Tito 'yang Idea m. Okay na 'yong kay Maya, dinagdag mo pa ako." giit nito habang kumakain ng ubas.
"Bukas makikita niyo ang pagphotoshop namin sa mga pictures ninyo. Dahil wala naman bad angle sa inyong dalawa. Bagay kayong dalawa!" Tili ng Photographer at mas lalo panglumabas ang pagka-binabaeng boses nito. Natawa si Maya at nakikain narin sa natirang ubas.
Naiwan si Maya sa Farm habang kakatapos lang niya magshower sa sobrang init sa Farm. Pinalitan na niya ang suot niya, ganoong disenyo ng dress pero mas seductive ito kumpara sa kaninang suot niya. Naglalakad lamang siya sa paligid ligid, pinagmamasdan kung gaano kalawak ang tiniman ng ubas.
"Maya." nanlamig ang katawan niya nang marinig ang pamilyar na boses, at kailanman hindi niya makakalimutan ang boses na ito.
Dahil sa hindi niya pagharap, hinawakan nito ang braso niya at hinatak papalayo. Narating nila ang isang tagong lugar para narin walang makarinig sa pag-uusapan nila.
"Aray, ano ba?! Ano bang kailangan mo?" Padabog na tanong ni Maya kay Adam. Nagsalubong ang kilay ng binata at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Lakas din ng loob mong maging Model ng Kompanya ko ha?" Galit na sinabi ni Adam sa kanya. "Excuse me? Kinuha ako ng Pinsan mong si Rico, bukod sa hindi ko alam na isa karin pala sa mga may-ari ng Wine Company nito. Waala din kasi akong interes na alamin ang background nito gets mo? Kung 'di lang mabait ang pinsan mo, hindi ko naman tatanggapin to!" Pasigaw niyang sagot dito kaya agad naman nagtakip ng teynga si Adam.
"Ang ingay mo kahit kailan! Wala kang pinagbago nakakabingi padin 'yang matutina mong boses!" Suway nito sakaniya. "Boses lang ang hindi nagbago sa'kin." matamlay niyang sagot, tutuusin ayaw na niyang makausap at makita ang dati niyang asawa. Dahil hindi niya parin tanggap sa sarili niya, na mismong si Adam pa ang nag-atubiling magasikaso ng annulment nila. Lahat ng paraan ginawa nito para lang mapawalang bisa ang kasal nila.
"Nag-uusap pa tayo." seryosong pagpigil ni Adam sa kanya habang hawak ang kamay niya. "Wala na tayong dapat pag-usapan Adam, mula nang naghiwalay tayo. Waala ng rason para mag-usap at maging magkaibigan tayo." Binitiwan ni Maya pagkakahawak ni Adam sa kanya.
Naiwang nakatulala si Adam sa ere at pinagmamasdan niya ang pag lisan ng dalaga.
"She's different now, hindi na siya ang Malaya na nakilala ko." saad nito habang napatingala at sinipa din ang bato na nakita sa niya sa lupa.
"Maya, gusto ko sanang kuhain ang profile mo for company information. Siguradong tatanongin ka nila Tito kung saan ka nanggaling." mahinahon na sinabi ni Rico.
"Hey Maya may problema ba?" Dagdag pa nito sakaniya. Para bang wala sa sarili ang dalaga at malayo ang tingin.
"Ha, oo sige walang problema. Uwi na tayo masakit ang ulo Rico." Sambit nito at nag madaling sumakay ng kotse si Maya, isang malakas na pagbuntong hininga ang binuga nito, dahil sa sobrang inis na makita niya ulit ang dati niyang asawa. Ang dati niyang minahal at binasura lamang ni Adam.
"Alam mo Ma? Ang kapal ng mukha ng Adam na 'yan! Feeling naman niya alam ko na siya 'yong may-ari ng Wine company nila? At feeling niya na alam kong magpinsan sila ni Rico?" galit na galit si Maya habang minamasa ang Tinapay na ginagawa niya.
Bakery ang naging negosyo at libangan ng kanyang Ina pati na si Maya kapag wala itong pasok sa trabaho. Isa din siya sa mga nagmamasa ng tinapay. Ang dating hindi niya alam gawin ay libangan na niya ngayon. Dinadayo din dito ang cupcake na binibake nila, saa halagang 25 pesos may cupcake kana, hindi lang naman ito tipikal na maliit ang size.
"Ganiyan talaga ang lalaki ana. Lalona't, napaka ganda mo na ngayon. Hayaan mong maglaway siya. Tyaka dalhin mo si Rico dito, gusto ko siyang makilala anak. Gwapo ba iyon?" kinikilig na pagtawa ng kaniyang Ina.
"Oo <aa, kung tutuusin mas gwapo si Rico kaysa kay Adam. Mukhang demonyo gagong 'yan." Sa bawata pagputol ni Maya sa tinay na kanyang binibake, muka ni Adam ang nakikita niya. Halos madurog na niya ang tinapay.
Dalawang Linggo na ang nakalipas matapos ang Photoshoot nila ni Rico. Mas lalong naging busy si Maya sa paperworks, dahil sa exam ng mga bata. Ganoon narin sa Hospital, tuwing sabado nalamang siya nakakabisita dito.
"Gie next sem ayoko na munang kumuha ng maraming loads. Nakakastress maging guro letse." Nangamot ito ng ulo habang walang tigil sa paghececk ng mga test papers ng mga estudyante. Ito ang ginagawa niya kapag tapos na siya sa trabaho niya sa Hospital.
"Bakit hindi mo muna try magpahinga? Kahit ngayong sem lang magparito kana muna sa Hospital, tamang chill lang tutal at mabilis naman tayo matapos sa trabaho natin." Giit ng kaibigan niyang si Gie.
Gie Tolentino, kaibigan niya ito mula pa college. Tanging tao na nakakaalam din sa kalokohan niya na ginawa noong College pa sila. 6 months niya palang boyfriend si Adamson at agad na silang nagpakasal, kaya ang inabot nila ang hiwalayan. Isa din si Gie sa mga taong nakunsumi sa kaibigan niyang si Maya, dahil sa katigasan ng ulo nito.
"Sige after nito magpapahinga muna ako sasabihin ko kay Dean. Puwede naman ako magpabalik-balik sa school alam naman nilang Part time lang ako sa school." sagot ng dalaga.
"Ewan ko ba sa'yo, may negosyo naman kayo ni Tita Alma. Bakit hindi ka nalang mag franchise." giit nito. "Wait speaking of Franchise, nako ibabalik ko yong contrata kay Adam hayop na lalaki yan." Gigil na gigil si Maya kaya napunit ang papel na chinicheck niya. Gusto na niyang tapusin at ibalik lahat ng binigay nito sa kanyang Ina.
"Alam mo girl may Rico kana, gwapo naman at mabait. Doon ka nalang kaysa sa Ex mong walang bayag! Tang ina kapag naaalala ko ang reason kung bakit kayo nag-hiwalay napaka babaw niyang lalaki. Isip bata potang 'yan dahil sa Polo niya, nagalburoto siya sa'yo? Nako kung makikita kalang niya ngayon siguradong maglalaway 'yon sa'yo!" Gigil din nitong sinabi. Napangiti si Maya at wala ding nakakaalam sa mas malalim na rason sa paghihiwalay nila.
"Nagkita na kami." matamlay na sagot ni Maya.
"Oh Jesus!? Really? Saan? Kailan?" Excited na tanong ng kaibigan sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Maya.
"Aray baliw! Kasi naman si Rico Pinsan niya pala si Adam. Diba Ramos ang middle initial ni Adam tapos 'yon ang apilido ni Rico. Mag kapatid ang Mother ni Adam at Papa ni Rico, kaya first cousin sila. Hindi ko rin napansin kasi ibinaon ko na sa ataol 'tong si Adam. Isa pa ang daming Ramos sa mundo." giit nito. "So paano kung magkakatuluyan kayo ni Rico? E'di tinuhog mo 'yung magpinsan?" Mapagbirong tanong ng Kaibigan.
"Baliw ano ba naman yang iniisip mo. Isa pang problema ko 'yong project ko kay Rico." Pagaalala nitong sinabi sa kaibigan. "Ano ba iyon?" Sagot nito
"Model ako ng wine company nila, ang tanga ko kasi hindi ko man lang inalam! Makikita ako ng Mommy ni Adam, number one hater ko pa naman din 'yong bruha na 'yon!" Galit na galit nitong sinabi
"Sus bruha? Mommy mo din 'yon dati!" Pangaasar nito sa kaibigan. "Hay ewan ko sayo Mauuna na'ko may bibilhin pa ako." Pagpapaalam nito.