Monday, Maaga akong nagising dahil sobrang excited akong pumasok sa company nina Sutton. Halos wala pa nga akong tulog dahil sa sobrang excitement ko. Marami din kasi akong iniisip, iniisip ko kung ano nga ba ang gagawin kong trabaho sa opisina ni Sutton bilang secretary niya. kung ano ang susuotin ko nasa tingin ko ay presentable sa paningin niya. Gusto ko kasi na ako ang pinakamagandang babae ngayong araw sa paningin ni Sutton. Nangingiti na tinignan ko ang itsura ko sa malaking salamin na nasa harap ko. “Hmm ganda mo self, wag ka lang sana sungitan ng boss mo.” Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko. “ Pero hindi naman niya ako sinungitan kagabi, ang sweet nga niya eh.” Kinikilig na sabi ko. Naglagay lang ako ng konting lipstick sa mukha ko at press powder para hindi ako maging oily,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


