Mula ng sabihin sa akin ni Sebastian na aayusin niya ang lahat patinna ang sa kanila ni Diana ay araw araw na siya sa bahay at minsan ay sa bahay na rin siya natutulog. Alam ko naman na gusto niyang bumawi may Sutton at nakikita ko naman yun pero minsan hindi pa rin mawala sa isip ko na paano na si Diana at ang anak nito. Paano kung si Sebastian nga ang ama ng dinadala niya. Yun ang mga katanungang sa isip ko na hindi mawala wala. Katanungan na natatakot akong malaman ang sagot dahil baka masaktan lang kami ng anak ko. “Mommy can we sleep here?" Tanong sa akin ni Sutton ng paglabas ko ng banyo ay nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang si Sebastian naman ay titig na titig sa akin habang naka sandal sa likod ng pintuan. “Why? Ayaw mo ba na doon kayo ng daddy mo sa kwarto mo matulog?” Bal

