Hawak kamay kaming bumaba ni Sebastian sa sala para tingnan kung sino ang aking bisita. Pagkatapos naming maligo kanina ay sabay na kaming bumaba na dalawa at habang nasa gitna na kami ng hagdan ay bigla akong natigilan ng makita ko kung sino ang aming bisita. Agad naman akong nilingon ni Sebastian at hinigpitan ang hawak niya sa aking kamay. Kagat ang iba bang labi na napayo ko ako habang pababa sa sala namin. “T-tito Dean po ang ginagawa niyo rito?” Kinakabahan na tanong ko. Hindi naman siya sumagot sa akin at tumingin siya sa magkahawak kamay ni Sebastian. Agad ko namang binawi ang kamay ko kay Sebastian na makita ko ang nandidilim na mukha ni tito habang nakatingin doon. “Walang hiya ka!” Sigaw ni Tito sabay suntok kay Sebastian kaya napasigaw ako. “Oh, my god Sebastian.” Sigaw ko

