“Ano ang ginagawa mo dito sa sasakyan ko?" Lumalaki ang mga mata ko ng makita ko si Sebastian ng pumasok sa loob ng sasakyan ko at umupo sa tabi ko. “Sira kasi ang kotse ko baka pwede idaan mo ako sa bahay ko.” Aniya na kampanti ng naka upo sa passenger seat at nagkabit ng seatbelt na para bang sigurado siyang papayag akong ihatid siya sa bahay niya. " Pwede ka naman ata sumabay kay Sandy hindi ba? Bakit kailangan pa na ako ang maghahatid sayo sa bahay mo?" Mataray na sagot ko. “Well, hindi pwede istorbihin ang kapatid ko dahil nandyan ang boyfriend niya.” Aniya na ngumisi lang sa akin. " So okay lang ba na ako ang istorbohin mo?” naiinis na saad ko. Ang kapal naman ng mukha niya at sa akin pa talaga siya mag pahatid. “Bumaba ka na Sebastian, kung hindi ka pwede ihatid ng kapatid mo,

