Sebastian Gil pov Kinabukasan ay agad na niyang tinawagan ang abogado niya. Gusto niya na sa susunod na linggo ay siya na ang umupo bilang CEO ng Santiago Mining Corporation. Gusto niya na mailipat na din agad sa pangalan niya ang kumpanya para wala ng karapatan pa ang mga Santiago dito. Gusto niya ng tapusin ang paghihiganti sa pamilya ni Almirah. Siguro naman ay tama na nakuha niya ang university at kumpanya ng mga ito. Pero sa ganun pa man ay hahayaan niyang mag trabaho ang kuya ni Almirah sa kumpanya nila bilang bise presidente. Hindi naman siya ganun kasama para tanggalin ang kapatid nito at alisan ng hanap buhay. Hindi na rin niya kukunin ang mansion ng mga ito na nanatitira sa kanila. “Hello, kuya." Napangiti siya ng marinig niya ang boses ng kapatid niyang si Jelly sa kabilang l

