Chapter 7

1307 Words
Johanna Almirah Galando Santiago pov “ Pero dad, ayaw ko po kumuha ng business course, alam niyo naman po na gusto ko mag tayo ng restaurant diba at pagluluto ang hilig ko.” Saad ko kay daddy habang nandito kami sa loob ng opisina niya sa bahay. Ginawa ko naman ang lahat at sinunod ko naman ang mga gusto nila ni mommy para sa akin, pero bakit kailangan pa na pati sa pagpili ng gusto kursong gusto ay sila pa rin ang masusunod. “ At ano naman ang mahihita mo sa sa pagluluto na yan? Plano mo na lang ba na mag asawa at mag luto ng kakain ng asawa mo? Mag aaral ka ng kursong gusto na ko para sa ating negosyo at para may pakinabang ka naman. Wala kang mahihita sa pagiging cook kundi kahihiyan namin na magulang mo.” Maotoridad na saad niya. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa aking mata. Ganyan na ba kababa ang tingin niya sa mga kumukuha ng culinary arts na kurso na para sa pagluluto. Hindi ba niya alam na kung hindi dahil sa mga cook ay hindi siya makakakain ng masarap na pagkain na hinahanda sa kanya at hindi niya makakain ang mga paborito niyang kainin na niluluto ng cook namin. Bakit ba ganyan na lang ang gusto nila ni mommy na ipagtulakan ako sa business course eh wala naman akong ka hilig hilig sa negosyo nila. Alam ko at naiintindihan ko na kailangan din nila ng taga pag mana na mamahala sa negosyo nila kapag matanda na sila. Pero nandyan naman kapatid kong Yohan para mamahala sa negosyong maiiwan nila kung sakaling wala na sila. “Pero dad.." “Wala ng pero pero Almirah dahil sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod sa bahay to." Seryoso pa rin na saad niya. “Pero bakit ako dad? Bakit hindi na lang si Kuya Yohann total siya naman ang lalaki sa amin at siya naman talaga ang magmamana ng negosyo ninyo.” Inis na sagot ko hindi ko na mapigilan pang itago ang inis ko dahil sa sama ng loob ko. "Yohann is already taking a business course at wala naman siyang reklamo. Ikaw lang itong mareklamo sa buhay na binibigay namin sa sayo. Para sayo naman lahat ng sinasabi namin sayo, para sa kinabukasan mo.” Aniya. " Pero hindi po lahat ng sinasabi ng magulang ay para sa anak nila o sa kinabukasan ng anak nila. Minsan ang sinasabi ng magulang ay para din sa sarili nila dahil negosyo pa rin nila ang iniisip nila at hindi na nila iniisip kung masaya ba ang anak nila basta hindi lang sila mapahiya at masunod ang gusto nila para sa kanila para sa paglago pa negosyo nila.” Matapang na sabi ko kay daddy at padamog na lumabas sa opisina niya. Agad na akong umakyat sa kwarto ko at nag kulong doon ko binuhos ang lahat ng luha ko. Bakit ba ipinanganak pa akong mayaman kung ganito din naman ang mga magulang ko. Ang akala ng ng masaya ako dahil isang sikat na business tycoon ang daddy ko at nasusunod daw ang luho ko. Pero ang hindi nila alam ay hindi ako masaya. Oo nga at nabibili at nasusunod ang luho ko pero ang hindi nila alam buong buhay ko ay dinidiktahan ako ng kung ano ang gagawin ko. Para akong robot na sinusunod ang lahat ng gusto ng taong gumawa sa akin dahil kung hindi sisirain muli ako ng gumawa sa akin at gagawa ng bagong program na mapapasunod niya sa gusto niya. “ Almirah, iha nandiyan ka ba?” Tawag sa akin ni yaya Sonya. Kung may nakakaintindi man sa nararamdaman ko si yaya yun dahil alam niya kung ano ang ginawa sa akin ni mommy at daddy. Si yaya din ang takbuhan ko dati kapag napapalo ako ni kapag hindi ko na sunod ang gusto niya na gawin ko. Malupit kasi sa amin si daddy, pinapalo niya kami ni kuya kapag hindi naman siya sinusunod ni kuya. Isang beses na sinuway ko siya kinulong niya ako sa bodega at takot na takot ako dahil sobrang dilim at puro daga at ipis ang kasama ko. Wala naman ginagawa si mommy para suwayin si daddy o ipagtanggol kami dahil nasasaktan din siya daddy kapag ginagawa niyang lumabag at ipagtanggol niya kami. Nang gabing kinulong ako ni daddy sa bodega hindi ako iniwan ni yaya, sinamahan niya akong matulog at kinantahan niya ako kahit na nasa labas siya. Nang pinalabas ako ni daddy sa bodega ng umaga, nakita ko na maraming pasa si mommy, sigurado na sinaktan na naman ni daddy si mommy dahil sa pagtatanggol sa akin. Kaya mula noon hindi ko na sinuway pa ang gusto ni daddy at pilit ko na lang sinunod ang gusto niya kahit na labag sa loob ko. Ayaw ko rin kasi na nakikita na maraming pasa si mommy dahil sa akin, dahil sa pagtatanggol niya sa akin kahit na wala naman siyang magagawa dahil si daddy pa rin ang masusunod dito sa bahay. “ Almirah.." tawag ulit sa akin ni yaya. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Pagkatapos kong bulsan ang pinto ay bumalik na ako sa kama at dumapa para hindi makita ni yaya ang mukha ko. “ Anak– okay ka lang ba?” Tanong niya na hinaplos ang buhok ko. “ Ganun na ba talaga siya yaya? Bakit hindi man lang niya iniisip ang gusto namin ni kuya. Negosyo niya na lang ba talaga ang mahalaga sa kanya? Paano naman ang kaligayahan namin yaya?” Umiiyak na sabi ko kay yaya. " Halika ngang bata ka dito." Bumangon akonat yumakap kay yaya. “ Bakit ganun po siya sa amin yaya? Bakit pakiramdam ko hindi niya kami mahal ni kuya at mommy dahil gusto lang niya ang gusto niya na masunod. Iniisip ko na nga na baka hindi niya talaga kami anak ni kuya dahil naman niya kami mahal na dalawa.” Paglabas ko ng sama ko ng loob. “ Anak, wag mong isipin yon, mahal kayo ng daddy mo. May mga bagay lang talaga ma ang mga magulang ang nakaka alam para sa anak nila at maintindihan mo rin kung bakit ganyan ang daddy niyo sa inyo.” Aniya sa akin. " Kung mahal niya kami bakit kailangan niya kaming saktan. Bakit kailangan na ang gusto niya ang masunod? Ni minsan ya, hindi man lang niya kami tinanong kung kamusta ang araw namin, kung okay lang ba kami. Ni minsan hindi man lang siya pumunta sa kwarto ko at tingnan ako.” sagot ko kay yaya dahil iyon naman talaga ang totoo. Kahit kailan o minsan ay hindi man lang siya nag tanong sa akin o kay kuya, kung kamusta na ba kami na dalawa. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ *** KAY ALMIRAH MUNA TAYO POV HA, PAHINGAIN MUNA NATIN SI SEB AT BAKA MAUBOS ANG KATAS NIYA... HAHAHA PERO MORE ON POV TAYO NI SEBASTIAN GIL DITO. BAKA PO GUSTO NIYO BASAHIN ANG HOT SECRETARY SERIES KO. "MY HOT NERD SECRETARY" HOT SECRETARY SERIES 1 AT " PAGSALUHAN ANG INIT" HOT SECRETARY 2. MAY COLLAB DIN PO AKO KAY AUTHOR DIANE RUIZ ANG GORGEOUS MEN 21 FINN DANIEL ELLISON "MY LUSTFULL LOVE" AT ISANG COLLAB NAMIN NI TIRAYCUTE 026 HOOKER SERIES ABOUT STRIPPER AT FREE PO ITO. "WILD ONE NIGHT WITH MY A MYSTERIOUS STRIPPER" AT ANG ISANG STORY KO NA "LUCKY INBLOVE WITH MY BEST FRIEND " PTR AND COMPLETE "MY HOT FATHER'S MISTRESS" PTR AND COMPLETE. BAKA WANT NIYO PO SILANG BASAHIN.. MY UPCOMING FREE STORY DIN PO AKO ANG "MY AMNESIAC SECRETARY IS MY WIFE" HOT SECRETARY SERIES 3. MARAMING SALAMAT PO.. PWEDE NIYO DIN PO I SEARCH ANG MGA KASAMA KO DITO SA COLLAB SEARCH LANG PO POOR HANDSOM MEN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD