Pagkatapos ng kasal namin ni Sebastian ay agad na kaming bumiyahe papuntang Amsterdam para doon mag honeymoon. Iyon pala ang sinabi niyang business trip kuno niya, yun pala pinaghandaan na nya ang honeymoon naming dalawa. First time ko rin na makapunta sa Netherlands kaya sobrang excited na ako na makita ang Amsterdam. Ang sabi nila ay maganda ang mga ilog doon at malinis. Isa ang Netherlands sa walang masyadong pollution dahil ang ginagamit ng mga tao na transportation ay bisikleta at bangka dahil karamihan ng mga bahay dito ay nasa gilid ng ilog. Marami din nagsasabi na mababait ang mga tao dito at kilala ang mga world class museo dito. Kaya sobrang excited na ako na makapunta doon. Pagdating namin ni Sebastian sa Amsterdam ay agad na kaming nag pahinga sa hotel na inakopa niya para sa

