Marahan kong ginagalaw ang mga binti habang nakalubog sa malamig na tubig. Itinukod ko ang dalawang kamay sa bandang likod saka itiningala ang ulo. Simula nang tumuntong ako ng highschool ay itinuon kona ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Bihira akong sumama sa mga ganitong party maliban na lang kung may kinalaman ito sa mga competition na sinasalihan ko. Mas pipiliin kong magkulong lang sa kwarto at magkabisado ng mga formula. Kaysa sumama sa mga gala nila Marie at Jona. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko pa rin makuha ang atensyon ng magulang ko. Uuwi lang sila ng bahay kapag gabi na kinabukasan ay aalis na naman. "Ako ba ang iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Vincent na ngayon ay nakalubog na sa tubig habang curious na nakatingin sa akin. Hinagod nya pataas ang buhok n

