"Bakit hindi mo naman sinabi agad na si Ice pala ang susundo sa atin. Edi sana hindi ko na inaya si Faustin para ako ang nakaupo ngayon sa harapan." Bulong sa akin ni Jona. Binigyan ko lang sya ng hilaw na ngiti at itinuon ang mata kay Vincent na seryosong nagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap sya sa katabing si Faustin saka mag-iigting ang mga panga. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa University nila. Naunang bumaba sila Jona, Marie at Diary pati na rin si Faustin. Nakagitna ako kaya nahuli ako sa pagbaba. Napapitlag ako ng may bisig na pumalupot sa baywang ko. Buti na lang ay nahuhuli kami sa paglalakad at nangunguna ang mga kaibigan ko. Pilit kong iniaalis ang malapad nyang kamay pero mas lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkakahawak doon. "Baka may makakita

