"Look girls, this is Kobe Elliot Marcelo." Sabay-sabay kaming napatingin sa hawak nyang cellphone. Hindi maitago ang kinang sa mga mata ni Jona habang ipinapakita sa amin ang litrato na sya mismo ang kumuha. Isang lalaking maputi at matangos ang ilong ang nasa litarato. May manipis at mapupulang labi habang nakaupo. Ang mga paa ay nakadekwatro. Halata ang pagkainip sa kanyang mga mata. "Ang yummy." Kinikilig na sabi ni Marie. "Sino na naman yang ini-stalk mo?" Tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay. Lumapad lang ang ngisi ni Jona bago malanding tumawa. Hinawi pa nya ang buhok na para bang modelo ng shampoo. Napaismid na lang ako dahil mukhang alam ko na ang binabalak nya. "Remember the guy with four eyes?" Mahina nitong tanong. Napatikhim naman si Diary dahil sa sinabing iy

