Nicole "THANK you for staying," nakangiti niyang sabi habang nasa kwarto na kaming dalawa. Tulog na rin ang mga bata sa kanilang kwarto. Malalim na ang gabi kaya tahimik na ang buong bahay pero gising pa rin kaming dalawa. "Tinakot mo ako kanina." Hindi na ako nagsalita. Galit pa rin ako pero heto at pinili ko pa rin na hindi umalis kasi naawa ako sa mga anak ko kanina nang makita ko silang umiiyak. Naisip ko rin na bigyan ng isa pang pagkakataon si Jason, umaasa ako na sa pagkakataong ito ay babalik na siya sa dati. Ang gusto ko lang naman ay maayos kami, ang gusto ko lang naman ay ang mabigyan ng masayang pamilya ang mga anak ko. "I love you," bulong niya sa akin tyaka ako niyakap nang mahigpit, nasa tabi ko lang siya. "Please, wag mo na gawin 'yon ulit. You'll kill me, Babe." "Hind

