Nicole AFTER we made peace with each other because of the misunderstanding we had. Hindi na kami namasyal pa sa Netherlands. Jason insisted to visit the place we have visited again dahil pareho naming hindi na-enjoy ang pamamasyal dahil sa away namin. Sayang nga dahil kaunti lang ang nakuha naming mga litrato. Pero hindi na ako sumang-ayon pa sa suhestiyon niya dahil sabi ko sa kaniya, ang mga tulips lang naman ang gusto kong makita. Kung meron mang mga lugar dito na gusto kong puntahan, gusto kong i-reserve 'yon para sa anak namin. He insisted na mag-tour pa kami, kahit sa ibang lugar naman na nandito sa bansa pero hindi na talaga ako ako pumayag pa dahil nang makabunot ako ng papel para sa susunod na lugar na pupuntahan namin, ginusto ko nang pumunta agad doon. Na-excite na ako agad p

