"NASAAN ang magaganda kong mga pamangkin?" Bigla ay dumating si Brick sa kusina agad pumasok. Tuwing uuwi sila ni Drick ay ang mga bata ang una nilang hinahanap. "Papa Brick!" Nag-unahang tumakbo ang kambal. Agad namang sabay na kinarga ni Brick ang mga bata. Masaya akong ganoon siya kalapit sa mga anak ko. Si Drick din ay naging malapit na rin sa 'kin. Hindi pa rin sila nagkaayos ni Daddy pero masaya akong hindi sila galit sa 'kin, hindi nila ako isinama sa galit nila kay Daddy. Kahit alam kong si Drick lang ang kapatid ko, pantay ang trato ko sa kanilang dalawa. Para sa akin, pareho ko silang kapatid, pareho silang mahalaga sa akin, at pareho ko silang mahal. "Sino si Zai?" "Me!" "Eh si Rai?" "Me po, Papa." Kung titingnan ang kambal, mahihirapan talaga kahit sino na tukuyin kung

