Nicole "JASON?!" tawag ko nang magising ako na wala si Jason sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayang nakaidlip na pala ako kanina habang nagtutupi ng mga damit na dadalhin namin sa maikling bakasyon. Mukhang natapos niya ang pagtutupi at pag-iimpake, nakahanda na ang mga maleta sa gilid ng aming kama. Wala sa sarili akong napatingin sa aking daliri at wala sa sariling napangiti habang hinahaplos ko ang singsing na suot ko, dalawang singsing na kapwa bigay sa akin ni Jason; ang engagement ring at ang wedding ring namin. Kasal na talaga ako. Mag-asawa na talaga kaming dalawa, bagay na hindi ko inakala at inaasahang mangyayari pa matapos ko siyang iwan. Sinong mag-aakala, hindi ba? "Babe!" tawag kong muli kay Jason. Oo nga pala! Hindi niya ako maririnig dahil soundproof ang aming kwarto

