Nicole TUMAMBAY ako sa opisina niya buong maghapon. Hindi naman siya pumirmi sa opisina dahil marami siyang ganap sa trabaho. Nakatulog pa nga ako sa couch ng opisina niya sa sobrang pagkaboryo. Ginising niya na lamang ako nang kailangan na naming umuwi. "Kumain muna tayo ng dinner," sabi niya. Naabutan kami ng traffic dahil sobrang hirap ko raw gisingin. "Di ako gutom," sabi ko. "Ako… gutom," nakangisi niyang sabi kaya pinalo ko ang kamay niyang nasa hita ko. "Tumigil ka!" nagbabantang sabi ko na tinawanan niya lang. Dumating kami sa bahay. Nakahawak ang kamay niya sa bewang ko habang papasok kami. Hindi niya man lang pinansin ang mga tauhan na bumati sa amin. Hindi man lang hinanap ang mga kapatid niya. "Let's change our clothes first," sabi niya sa malalim na boses. Hindi na hin

