Jason HINDI na ako nag-aksaya pa ng panahon. Nang malaman ko kay Sandra kung saang hospital ko makikita sila Nicole ay agad na akong pumunta doon. Hindi ko na alam kung bakit sila nandoon, ang alam ko lang ay nag-aalala ako. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan pero parang naglalaro yata ang panahon. Sobrang bigat ng traffic. Parang naglalakad lang ang mga sasakyan. Sana pala ay nag-motor nalang ako. Tyaka ko lang din naalala ang cellphone ko habang nasa gitna ako ng traffic. Agad kong kinuha iyon sa bag na hanggang ngayon ay nasa backseat pa. Nang makita kong lowbat ang cellphone ko dahil isang buwan ko rin itong hindi man lang sinilip, agad kong kinuha ang power bank at agad akong nag-charge. Umabot na lang ng 10% ang battery ng cellphone ko, hindi pa rin umuusad ang sasakyan ko

