Jason AKALA ko madali lang tanggapin ang nagawa niya sa akin. Akala ko madali lang tanggapin ang pagkakamali niya kasi hindi naman niya ako iniwan, that's what only matters to me, dahil mas hindi ko kakayanin kung iiwan niya ako. Pero sa tuwing nakikita ko siya, ang mukha niya, ang tuwa sa mga mata niya habang kinukwento kung gaano siya kasaya dahil sa bata, nasasaktan ako. It would always haunt me knowing that it wasn't me who gave her that kind of happiness, kasi hindi naman ako ang ama ng anak niya. Masakit sa parte ko na masaya siya pero hindi ako ang dahilan no'n. Na kailangan niya pang hanapin sa iba ang bagay na magpapasaya sa kaniya—kasi hindi ko 'yon kayang ibigay. It was my obligation to give her that kind of happiness, ako dapat at hindi ang ibang lalaki pero nagkulang ako k

