Nicole "ATE Gina, okay na po ba ang salad?" tanong ko sa aming kasam-bahay. Hindi ako mapalagay dahil malapit na ang pasko. Gusto ko ay maayos na ang lahat kapag dumating kami dito sa bahay matapos namin magsimba. "Okay na po, Maam Nicole, wala na kayong dapat ipag-alala." "How about the ham?" I asked. "Nay, dito na po 'yan. Pakilagay na lang po dito." "Sige," nakangiting sabi ni Nanay Teresita kasabay ng paglapag ng kaniyang bitbit na mga tinapay sa mesa. "Oh Teevan, ang Sir Jason mo ba na-contact mo na?" tanong ko kay Teevan nang makita ko siyang pumasok sa kusina. "Uuwi ba sila ngayon?" Si Jason naman kasi. Sinabi ko nang ipagpaliban muna ang hotel inspection niya doon sa Singapore, talagang itinuloy niya pa rin ang paglipad kahapon. Nangako naman siya sa akin na uuwi siya bago m

