Nicole ISANG linggo ang ginugol namin sa pananatili sa South Korea kung saan panay lang ang pagbyahe namin at pamamasyal. Halos lahat ng magagandang tanawin sa Jeju ay napuntahan namin. Sa sobrang taas ng energy ko, halos lahat ng pwedeng i-offer ng lugar na pinupuntahan namin ay sinusubukan ko. Sulit ang pagpunta namin sa South Korea. Kaya naman nang matapos kami sa South Korea, agad na kaming tumulak patungong Mexico. Hindi ko akalaing matagal rin pala ang byahe mula Seoul, South Korea patungong Cancun, Mexico. Tumagal ng humigit-kumulang labing-walong oras ang aming byahe, sobrang tagal ngunit hindi ko rin naman gano'n naramdaman. Nagpaligsahan lang kami ni Jason sa pagtulog dahil sa pagod sa dami ng pinagagawa namin sa South Korea. Ang akala ko ay wala nang sasalubong o susundo sa

