Jason "MASAKIT pa ba ang likod mo, Baby?" tanong ko kay Rai nang tumahan na siya. Karga-karga ko pa rin siya, habang marahan na isinasayaw at hinahaplos ang likod niya. "Babe, nakatulog na siya," mahinang sabi ni Nicole. "Akin na, ako na magdadala sa kwarto nila." "Ako na," sabi ko at naglakad papunta sa hagdan, napansin ko namang sumunod siya. Si Zai naman ay nakikipaglaro na kay Brick at Drick sa sala, hindi na nakapasok ang dalawa nang maaga dahil sa nangyari, pareho rin silang nag-aalala para kay Rai. Si Nicole ay nakaalalay sa akin habang karga-karga ko si Rai na para bang anumang oras ay maaaring mabitawan ko ang anak niya. Pero tila sa nangyaring eksena, nakalimutan niya ang maliit na pagtatalo namin kanina. Binuksan niya ang pinto ng kwarto, pumasok naman ako habang karga ko s

