Vanessa Lavender Smith (Queen) Malakas na tugtogan, makapal na usok, lumilipad na mga bula, at amoy ng alak. Iyon ang aking naobserbahan sa aking paligid habang nakaupo sa isa sa mga upuang nakalaan para sa mga members nmg club namin. Mag isa lang akong naririto dahil abala na ang aking mga kasama sa paliligo sa pool, although, nasa tapat ko lang naman sila at kitang kita kaya walang problema doon. Habang ang mag kasama naman ni King at maging si King ay abala rin sa paliligo, lahat sila ay nasa tabi ng pool at kanina ko pa napapansin na maya’t maya nakatingin sa akin si King. Sinadya kong hindi sumama sa kanila paliligo upang hindi ko na kailanganin pang hubarin ang aking pantabing sa katawan na see through, kahit naman ito ay see through nag sisilbi na rin itong malaking tulong upang

